Chapter 11

193 12 1
                                    

**Dian's POV**

"My!"

Sabay kaming napalingon sa dumating.

Dy.

"What are you doing here?Kanina pa kita hinaha....nap."napatingin siya sa taong kasama ko,agad sumama ang tingin niya dito.

Huh?

"A-Ah,si Blake nga pala.Tulad mo nakita ko rin sa tabing dagat,mukhang tinangay din papunta di---"

"I dont care!"

Nanlaki ang mga mata ko sa pagsigaw niya.

Galit?!

Sus...selos lang to eh!Alam ko namang kaselos-selos talaga tong mukhang to.

Naks!Gusto ko tuloy magflip ulit ng hair ko.Pang-ilan na to ah.

"T-Teka lang!"pigil ko sa kanya ng bigla niya akong hinila paalis.

"What?!"halos manibago ako,galit na galit talaga kasi siya bess.

"Eh ba't ba nagagalit ka?!Parang pinakilala ko lang ang kasama ko ah."inis kong sabi sabay pamewang.

"Just shut up and let's get out of here,you dont know him. "

Nanlaki ang mga mata ko,inaamin ko natakot ako sa sinabi niya pero isinawalang bahala ko na lang.

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko ng hahatakin na naman niya ako ulit.

"Teka nga!Kilala mo ba siya?!"tanong saka tinuro si Blake na di ko makitaan ng emosyon ang mukha,nakatayo lang siya habang nakitingin samin.

"N-no,kaya halika ka na!"hinila niya ako ulit pero this time wala na akong nagawa.

Nilingon ko si Blake.Teka,ngumisi ba siya?Ah baka namamalikmata lang ako.

"Blake!Halika,sumunod ka samin!"tawag ko sa kanya.

"My,stop that!You don't know that guy."mariin niyang sabi habang hatak-hatak ako.

"Bakit ba parang ang init ng ulo mo kay Blake,kilala mo?"inis ko tanong.

Teka,paano kung kilala niya nga si Blake.

Napahinto ako at ganun din siya.

"My,please.Hinahanap na tayo ni inay."inis niyang sabi habang pilit akong hinihila pero di ako nagpadala.

"Teka nga,sabihin mo nga sakin.Kilala no ba siya?"tanong ko saka tinuro si Blake sa di kalayuan na kampanteng naglalakad papunta samin.

Yung totoo,nalunod ba talaga to?Kasi kung ako yung nasa sitwasyon niya baka nagwala na ako.

Eh,baka unique talaga siyang tao.

Bumalik ang tingin ko kay Dy na masamang masama ang tingin kay Blake.

"Uy!Sagutin mo'ko!"bumalik ang tingin niya sakin na agad ding lumambot ang ekspresyon.

"H-Hindi nga.I dont know that guy."sabi niya sabay iwas ng tingin.

Seneryoso ko ang ekspresyon ng mukha ko saka nagcross arms.

"Dy."seryoso kong twag sa kanya kaya napatingin siya agad sakin.

Gusto kong magulat ng hinawakan niya ang dalawang kamay ko na naka cross saka seryoso akong tinignan.

Ang seryoso naman ata namin masyado.

"My,I'm telling you the truth.I don't know that guy."tinignan niya si Blake sa likod,saglit na sumama ang tingin niya dito pero agad ding bumalik sa dati ng bumalik sakin ang tingin niya."But I don't feel safe around him,I feel like I'm with a crimina--bad person.Masama ang pakiramdam ko sa kanya,I know you can feel that too."

Huminga ako ng malalim.

"Gusto ko siyang tulungan."

Napabuntong hininga siya saka binitawan ang kamay ko.

"You don't know him,and look at him!He looks fine,perfectly fine para pumunta dito.He don't need your help,he doesn't need any help."

Inis akong namewang.

Nakakainis na tong lalaking to ah.

"Alam mo,nakakainis ka na!Isipin mo nga,ikaw nung matagpuan kita hindi ako nagdalawang isip na tulungan ka kahit na hindi naman kita kilala.Paano kung iniwan nalang kita dun?Sa tingin mo makikilala mo ang napakagandang nilalang na nagngangalang Diana?Hindi!Hindi ka ba naaawa sa tao?"inis kong tanong sa kanya saka nilingon si Blake na huminto di kalayuan samin habang sumisipa sipa ng maliliit na bato.

Narinig kong bumuntong hininga si Dy kaya napabalik ako ng tingin sa kanya.

"Bakit ba kasi ang bait mo masyado?"bumuntong hininga siya ulit saka hinawakan ang kamay ko,chancing na naman po siya."Halika na nga."bumaling siya kay Blake sa likod."Hoy!You,i-dont-want-to-know-the-name,sumunod ka kung gusto mo!"Teka,umirap ba siya.Bakla.

Hinila niya ako ulit pero this time hindi na siya nagmamadali kaya nagpahila nalang ako.

"Buti naman bumait ka."ngumiti ako sa kanya.

Tumingin siya sakin saglit pero agad ding bumalik ang tingin sa dinadaanan.

"Hindi ako mabait."

"Suss..."tumingin ako kay Blake sa likod na nakasunod samin,ngumiti siya sakin kaya ngumiti ako pabalik.

Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Dy para akbayan.CHANSING!

"Stop looking at him.Wag mong isipin na bumait ako,because I didn't.Ililigaw natin yan."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"DYLAN!"

Nginisihan niya lang ako.

Bwisit talaga kahit kailan!

to be continued...

Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon