Chapter 2

515 23 2
                                    

**Dian's POV**

"Nay!!"tawag ko ni inay mula sa sala kung saan umupo si mamang tisoy ng walang pahintulot.

Tss...

Parang kanina lang,lungkot-lungkotan tapos ngayon,inunahan pa ako sa pag-upo.

"Oh bakit nak?--Huh!Magpapakasal ka na?!Ba't di mo sinabing buntis ka?!Paano na ang kinabukasan mo anak!?Bak--hmm" 'di ko na pinatapos ang sasabihin ni inay,masyado nang nakakahiya para sa angkang pinagmulan namin.

Diyos ko naman inay!Sinumpong ka na naman ng ka-OA-han!

"Ah hehe,pag pasensyahan mo na ang nanay ko ha?OA  kasi to eh,hehe."ngumisi ako ng pilit kay Mr.Tisoy habang hawak-hawak ang bibig ni inay.

'Mr.Tisoy' nalang muna ang itatawag ko sa kanya hangga't hindi pa niya naaalala ang pangalan niya.

Swak naman sa kanya eh.

Tinabig ni inay ang kamay ko saka sinamaan ako ng tingin.

"Anong OA?!Hindi ako OA,tsaka sino ba yang poging iyan 'nak?"tanong ni inay sabay turo kay Mr.Tisoy.

"Si---"

"I'm Dylan,at nakita lang po ako ni Dian dun sa may pangpang,I was lost po kasi eh.Hinambalos po ng alon ang bangkang sinasakyan ko at tinangay po ako papunta dito." sabi ni Mr.Tisoy at nakipag handshake kay inay.

Nanlaki ang mga mata ko saka gulat na tumingin kay Mr.Tisoy.

"Naaalala mo na ang pangalan mo?!"gulat kong tanong sa kanya.

"Malamang anak,pangalan niya hindi niya maalala?"sabat ni inay.

"Hindi kasi,kanina nung tinanong ko siya sabi niya hindi niya maalala ang pangalan niya.Tapos ngayon--"

"H-Hindi ko alam,nag pop lang sa isip ko ang pangalan na yun kaya naisip ko na baka yun ang pangalan ko."paliwanag niya.

"Ahhh...eh yun naman pala 'nak eh!"sabat ulit ni inay.

Minsan sawsawera din to si inay eh.

Dahan-dahan akong tumango.

Naghihinala na ako Mr.Tisoy ah.

"Oh siya,muntik ko ng makalimutan.Ako nga pala si Tessa,ang magandang ina nitong babaetang ito."sabi ni inay kay Mr.Tisoy na Dylan daw ang pangalan saka tinuro ako.

Mahangin din pala itong si Inay?

Mukhang alam ko na kung saan ko nakuha ang pagiging self supportive ko.

"Naku,sigurado akong gutom na gutom na itong si Dylan.Iho,halika na sa kusina at ng makakain ka na.Mahirap siguro ang pinagdaanan mo sa laot ano?"

Aba!Kinalimutan ata ako ng mahal kong ina ah!Hanep.

Si Mr.Tisoy na Dylan daw ang pangalan naman,tumayo agad at sumunod kay inay sa kusina.

Hinamas ko ang sexy kong tiyan.

Hmm...hindi pa naman ako nagugutom,matutulog na lang muna ako.

Tutal busy naman si Inay kakaalaga kay Mr.Tisoy na Dylan daw ang pangalan at kinalimutan na ang nag-iisa at pinakamaganda niyang anak.

Siguro naman hindi ako uutusan ni Inay no?

Hmp!Tampo mode muna ako ngayon.

Tsaka pagpapahingahin ko muna ang utak ko,muntik ng dumugo kaka-english ko eh.

Na out of stock ang utak ko,pati stock knowledge,sinimot!

Hay....

Agad akong humilata sa kama at walang ano-ano'y tinangay na ako papunta sa dreamland.

Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon