Chapter 14

256 9 4
                                    

**Dian's POV**

"Ale? Ale! ALEEE!" inis kong sigaw kay Aleng may short hair na busy-ing busy kakatingin sa dalawang nilalang na nasa likod ko.

"AY! Ah,ano iyon iha?" kunyare close kami dahil sa smile niya.

Tss!

Ngumiti ako ng peke.

"Ahehe, wala po .Tatanungin ko lang po sana kayo kung magkano itong kamatis. Hehe."

Mas nilawakan ko pa ang ngiti ko, yung makikita niya lahat ng ngipin ko pati yung nasa pinakadulo, pati na rin yung lalamunan ko.

Nakita ko siyang ngumiwi saglit saka ngumiti ulit ng sobrang tamis, nakakaumay.

"Ay 'yang kamatis ba?"

"Hindi po, itong pong okra." pambabara ko sa kanya habang nakangiti pa rin.

"Ha? Eh akala ko ba itong kamatis?"naguguluhang sabi niya na napakamot pa sa buhok niyang rebonded.

Napahagikhik ang dalawa sa likod ko na agad ko rin namang sinamaan ng tingin kaya agad na napatigil sabay iwas with matching pasipol-sipol pa, napapatingin tuloy ang mga babae sa kanila kahit na kanina pa naman talaga nakatingin.

"Narinig naman pala eh." inis kong bulong sabay irap.

"May sinasabi ka?"at lumabas na po ang totoo niyang kulay.

Binalik ko ulit sa pretty face ko ang award winning fake smile ko.

"May narinig ka po ba?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Parang meron e! Hindi ako sigurado."

"Tutuli--ah este guni-guni niyo lang po yun!"

Inirapan niya lang ako saka kumuha ng supot.

"Ilang kilo ba ang bibilhin mo?" padabog niyang tanong sakin habang naglalagay ng kamatis sa supot.

"Isang sako."

"Ha?"

"Hakdog. Ang sabi ko HO isang kilo lang ang akin."syempre bulong lang yung nauna.

Nakita ko pa siyang umirap sakin saka kumuha ulit ng kamatis.

Tsk!

Hindi man lang ako hinayaang pumili!

Tumingin ako sa dalawa na ngingisi-ngisi pero agad ding sumeryoso at nag iwas ng tingin ng makitang nakatingin ako.

Bumaling ako kay Aleng short ang hair na tinitimbang na ang kamatis at inilagay sa supot tsaka iniaabot niya ito sakin.

"Oh! Akin na bayad mo."padabog niyang sabi saka inilahad ang kamay niya sakin.

Hindi ko siya pinansin sa halip ay tumingin sa mga kamatis na nasa loob ng supot saka sinuri-suri ito.

"Anong tingin mo sa paninda ko?Peke?!"inis niyang tanong sakin at namewang.

Oo,kasing peke mo.

Pinulot ko sa loob ang isang bulok na kamatis.

"Hindi naman, parang tinitignan lang eh."ngumisi ako saka pinakita ang bulok na kamatis na hawak ko.

"Ay, ano ba yan?! Bakit sinali ang bulok dito?"kunyare gulat na gulat ako,as if hindi ko siya nakitang pinuslit ito sa supot kanina.

Nakita ko siyang natigilan pero agad din namang tumaray ang mukha.

"Ano?! Bibilhin mo ba?! Asaan na ang bayad mo?!"umuusok na ang ilong niya sa inis.

Painosente akong ngumuso saka tumingin saglit sa dalawa sa likod ko saka binalik ang tingin ko kay Ale.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon