Ang Simula

643 22 2
                                    


Act I

Quest 1
"Ang Simula"

Nagising ang isang lalaki at nagtungo sa kusina, ngunit bago pa sya makarating sa kusina ay nakita nya na may taong nakaupo sa kanyang sala at nagkakape.

Isang babaeng nasa edad 23, nasa tantyang 5"4" ang taas, nakatali ang mahaba at napaka-itim na buhok, may manipis ngunit magandang labi, maliit at matangos na ilong, bilugan at kulay asul na mata, balingkinitang pangangatawan, nakasuot ng sandong itim, nakashort ng tastas na maong na kalahati ng hita ang haba at nakasuot ng lumang mid-cut converse na kulay pula.

"Huh?! Teka! Anong ginagawa mo dito?! Saka paano ka nakapasok dito?!"

gulat na wika ng lalaki.

"Ano ka ba...? Para namang.. hindi mo ko kilala.. alam mo namang sisiw lang sakin pumasok sa isang bahay.."

sagot ng babae.

"Kahit na! Nakadouble locked lahat ng pwede mong daanan! At yung pinto 4 na kandado ginamit ko dun!"

paliwanag ng lalaki.

"Ah yung pinto ba?! Pinasabog ko.."

sagot ng babae habang humihigop ng mainit na kape.

Tumakbo ang lalaki at tinignan ang pinto na papasok ng bahay, at nakita nyang wasak ang bahagi kung saan nakalagay ang mga kandado. Halos nanlumo at nagalit sa nakita at binalikan ang babae sa sala

"At bakit mo winasak ang pinto ko!?"

sigaw ng lalaki.

"Huh?! Hindi ko mabuksan eh.."

sagot ng babae.

"Sana kumatok ka nalang diba!!?"

inis na wika ng lalaki.

"Tinatamad kasi ako kumatok"

paliwanag ng babae.

"Tinatamad ka kumatok?! Pero hindi ka tinamad magpasabog ng pinto!!?"

galit na tanong ng lalaki.

"Huwag ka na magalit.. sinubukan ko lang kung gaano katahimik yung nabili kong bomba.. hehe.."

sagot ng babae.

"At talagang ginawa mo pang praktisan ng bomba ang bahay ko.."

nanggagalaiting wika ng lalaki habang pinipigilan ang sarili sa galit.

"Sya nga pala.. wala ka bang tinapay diyan?.. wala kasing kwenta yung kape mo dito eh"

tanong ng babae.

"At talagang nag-reklamo ka pa!" pasigaw na sabi ng lalaki.

Makalipas ang ilang minuto ay may naisasawsaw na pandesal na ang babae sa kanyang kape, at inaayos naman ng lalaki ang nawasak na bahagi ng pinto.

"Oi Cloud! Ano bang ginagawa mo dito sa Pilipinas? Diba dapat nasa Egypt ka?"

malakas na tanong ng lalaki.

"Ah.. ang totoo nyan may kailangan kasi akong hanapin.."

sagot ni Cloud.

"Ha!? Huwag mo sabihing yung pulbos ni Kibaan nanaman yan"

wika ng lalaki.

"Hindi.. itak ang kailangan kong mahanap ngayon"

sagot ng dalaga.

"Anong itak naman yan? Saka saan mo hahanapin?"

tanong ng lalaki habang patuloy na inaayos ang pinto.

Cloudberry and the wolf killerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon