Gargoyle

78 4 1
                                    

Act III

Quest 12
"Gargoyle"

Tahimik na nakinig ang dalawa sa salaysay ni Jong-soo.

"Alam nyo.. bored na talaga ako sa mundong ito.. walang nangyayaring kakaiba eh.. paulit-ulit lang.. ang malalakas ay nananatiling malakas at ang mahina ay nananatiling mahina.. pero nagbago ang lahat ng isilang ka.. Cloudberry Bringhurst.."

wika ni Jong-soo.

"Sandali.. anong ibig mong sabihin?"

tanong ni Flakes.

"Oh.. ikaw din pala Flakes Calikasan.."

dugtong ng binata.

"Pwede ba linawin mo nga ang sinasabi mo.."

wika naman ni Cloud.

"Sasagutin ko yan.. pero sasabihin ko muna sa inyo.. na si Calvin ay nasa Germany.. para makipagkita sa lolo ng tatay mo.."

tugon ni Jong-soo.

"Sa lolo ni papa? At bakit naman sya makikipag kita kay lolo?"

tanong ni Cloud.

"Para ipaalam na ikaw ay anak ni Ethan Bringhurst sa isang mortal na tao.."

sagot ni Jong-soo.

"Ano naman ang problema kung nalalaman yun ng lolo ni Cloud? Bakit kailangan nya pang ipaalam?"

tanong naman ni Flakes.

"Simple lang.. para ipapatay sya.."

sagot ni Jong-soo.

"At bakit naman ako ipapapatay?"

tanong ulit ni Cloud.

"Mabuti pa.. makinig muna kasi kayo.."

wika ni Jong-soo.

Tumahimik ang dalawa at nakinig nalang sa kwento ng lalaki.

"Ipapapatay ka.. dahil bawal sa mga katulad namin ang magkaroon ng anak sa mga mortal na tao.."

paliwanag ni Jong-soo.

"Bakit naman?"

tanong ni Cloud.

"Dahil takot sila na isilang ang kinatatakutan nilang alamat.. ang tinatawag nilang awaken.."

sagot ni Jong-soo.

Hindi na nagtanong pa ang dalawa at nag-antay nalang ng paliwanag ng binata.

"Ayon sa alamat.. limang libong taon na o pitong libong taon na ang nakakaraan.. ang totoo nyan walang makapagsabi kung kailan ito nangyari.. pero isinilang ang isang half human at half vampire.."

kwento ng lalaki.

"At sa hindi inaasahang pangyayari.. nagising ang natatagong kapangyarihan nito.. na syang muntik ng umubos sa lahat ng nilalang sa mundo.. nagsama-sama at nagtulong tulong ang lahat ng lahi para lang mapatay ito.. nagtagumpay naman sila.. pero mas higit na madami ang nasawi.. simula noon ay pinagbawal na ang pakikipagrelasyon ng katulad namin sa mga tao.."

paliwanag ni Jong-soo.

"Pero kung ganun pala.. diba dapat may mas maghangad na magkaroon ng anak para maging pinakamalakas sa mundo?"

tanong ni Flakes.

"Ang totoo nyan.. natatakot sila.. dahil walang makakakontrol sa awaken.. dahil nga sya ang magiging pinakamalakas sa lahat.."

Cloudberry and the wolf killerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon