"Ang pagsasanay"

87 3 1
                                    

Act III

Quest 11
"Ang pagsasanay"

Nagising si Cloud sa isang silid at nakaratay sa kama.

"Nasaan ako?"

tanong ng dalaga sa sarili nang magkamalay sya.

"Sa wakas nagising ka din.."

wika ng isang lalaki na nakaupo sa isang upuan sa tabi nya.

"Sandali!! Anong ginagawa ko dito!?"

tanong ni Cloud nang makitang si Jong-soo ang kanyang nasa tabi habang inihanda nya ang sarili sa anumang pwedeng mangyari.

"Easy ka lang.. kagigising mo lang.. away na agad ang hanap mo.."

sagot ni Jong-soo.

"Si.. si Flakes!? Anong ginawa mo sa kanya!?"

tanong ulit ng dalaga.

"Ahh nagpunta lang syang kusina para magtimpla ng tsaa.. mas nauna syang nagising kaysa sayo.. dahil naposses ka ng matagal ng muramasa kaya nasaid ang lakas mo.."

paliwanag ng haetae.

Hindi maalala ni Cloud ang mga huling nangyari, mula nang nagsimula syang sapian ng muramasa.

"Naposses? Sabihin mo.. ano ba talaga ang nangyari?"

tanong ng dalaga.

"Hmmm? Sabagay mawawala ka naman talaga sa sarili kapag naposses ka ng kahit anong nilalang.. kaya hindi mo na alam ang mga nangyari.."

sagot ng binata.

Dumating naman sa kwarto si Flakes habang nag-uusap ang dalawa.

"Flakes.."

sabi ni Cloud ng makita ang kaibigan.

"Gising ka na pala.."

wika naman ni Flakes.

"Eksakto ang dating mo.. maupo ka na.."

sabi naman ni Jong-soo.

Iniabot ni Flakes ang dalang tsaa sa dalawa at naupo ito upuan sa may paanan ng kama.

"Sabihin mo samin.. bakit buhay pa kami?"

mahinahong tanong ni Flakes.

"Hindi ko naman talaga ginalaw ang puso nyo.. binutas ko lang ang dibdib nyo at pakiramdaman ang puso nyo kung karapat-dapat ba talaga kayo.."

sagot ni Jong-soo.

"Nabutas ang dibdib!? Ahhh!!"

malakas na sabi ni Cloud at kinapa saka sinilip ang kanyang dibdib.

"Ano ka ba?.. may lahi kang werewolf diba? Malamang magaling na ang sugat mo.."

wika ni Jong-soo nang makita ang ginawa ng dalaga.

"Sandali.. anong ibig mong sabihin na karapat-dapat? Saka sino ka ba talaga?"

tanong ni Flakes.

"Hahaha.. sinabi ko na sa inyo diba? Ako si Jong-soo.. ang kanang kamay ni Calvin.."

sagot ng lalaki.

"Kung ganun! Nasan si Calvin? sabihin mo!!"

malakas na sabi ni Cloud habang hinahawakan ang kwelyo ng damit ng lalaki.

"Hahaha! Bilib talaga ako sa tapang mo.. hindi mo sya matatalo.. kung ganyan ka kahina.."

sagot ni Jong-soo.

Cloudberry and the wolf killerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon