Act II
Quest 7
"Muramasa"Unti-unting humarap sa kanila ang babaeng nagsusuklay sa salamin ngunit tanging ang ulo lamang nito ang gumalaw paharap sa kanila.
"T-t-teka!! Hindi ako mahilig sa horror movie! Kaya kung pwede itigil mo na yan!!?"
sigaw ni Jin.
"Yasu.. ano bang kakayahan ng babaeng yan?"
tanong ni Flakes habang nakahanda na sa anumang pwedeng gawing pag-atake ng Oiwa.
"Isa syang tormented spirit.. kaya maaring illusion o psychic ang kapangyarihan nya.."
sagot ni Yasuhiro.
Maya-maya ay tumihaya ang Oiwa habang nanatiling nakaharap sa kanila ang baliktad na ulo nito. Dahan-dahan itong gumapang na gamit ang kamay at paa habang ang katawan nito ay nakaposisyon, na nasa ibabaw ang harap ng katawan at nasa ilalim ang likod na katawan.
"Hindi ko na talaga ito kaya!!"
sigaw ni Jin.
"Hoy! Pwede ba! Magtago ka nalang dun sa sulok!!"
sigaw naman ni Flakes.
Dinampot ng Oiwa ang ordinaryong espada na nilaglag ni Cloud. Nagulat nalang ang dalawa nang mabilis na kumilos ang babae at hinampas ng espada si Yasu. Nasalag naman ng bata ang atake na iyon ngunit bahagya syang napaatras nito. Kumilos si Flakes at inihampas mula sa taas ang kanyang hawak na palakol.
Tumingin sa kanya ang babae at kuminang lang ng sandali mata nito, at napansin nalang ni Flakes na hindi sya makagalaw.
"S-s-sandali? Anong nangyari? Bakit ako huminto?"
tanong nito sa sarili habang nakataas ang kamay at hawak-hawak ang sandata.
"Flakes!"
malakas na sabi ni Yasu at sinubukan nitong tagpasin ang ulo ng babae ngunit mabilis itong nakalayo.
"Anong nangyari sayo?"
tanong ng bata at bigla namang nakagalaw na si Flakes.
"Hindi ko alam.. bigla nalang ako huminto ng walang dahilan.."
sagot ng dalaga.
"Hindi biro ang isang ito.. hindi natin alam kung anong kaya nyang gawin.."
tugon ni Yasu.
Samantala, sa lugar kung nasaan si Cloud ay nakikipaglaban na sya sa isang pulutong ng mga swordsman.
"Ano? Hanggang diyan lang ba ang kaya mo?"
tanong ng lalaking may mahabang buhok at nakatayo habang pinapanood si Cloud sa pakikipaglaban.
Napasandal ang dalaga sa kawayan at hahampasin na sya ng espeda mula sa itaas ng isang lalaki at nasalag nya ito ngunit may isa pang kalaban sa kanyang kanan.
Hinawi nito ang espada upang pugutan ng ulo si Cloud habang sinasalag ng dalaga ang espada ng kaharap nya ngunit mabilis na nakailag ang dalaga. Naputol ang kawayan pati na din ang ulo ng kalaban ni Cloud.
"Tsk! Mukhang wala silang pakialam kahit mapatay nila ang kasama nila.."
bulong ni Cloud sa sarili.
Naramdaman ng dalaga na may kalaban sa likod nya at mabilis nyang nasalag ang pag-atake nito ngunit natusok naman sya sa likod ng espada ng isa pang kalaban.
"Ahh!"
tanging sambit ng dalaga at agad nitong pinatay ang kalaban sa harapan nya at lumayo naman sa kalaban na nasa likod nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/157791991-288-k800300.jpg)
BINABASA MO ANG
Cloudberry and the wolf killer
WerewolfDaughter of a great assassin who died from a mission. She became a weapon hunter to find the lost weapon of her mother, who was killed by a werewolf