Act IV
Quest 13
"Kitsune and Kumiho"Nagtungo ang tatlong magkakaibigan sa Shetland Island kung saan matatagpuan ang tirahan ng mga Bringhurst.
"Ito na ba yun?"
tanong ni Jin.
"Oo.. sigurado ako.. dito sila naninirahan.."
sagot ni Cloud.
"Ahh.. nakapunta ka na ba dito dati?"
tanong ulit ni Jin.
"Hindi pa eh.."
sagot ni Cloud.
"Eh paano mo naman nasabi na nandito nga ang mga Bringhurst!"
malakas na sabi ni Jin at biglang napatingin sa kanya ang mga tao sa paligid.
"Shhhh! Huwag mong babanggitin ang pangalan ng pamilya nila dito.."
saway ni Cloud.
"Ah eh.. bakit naman?"
mahinang tanong ni Jin.
"Dahil sila ang namumuno sa lugar na ito.. para silang Hari ng isla na ito.."
sagot ni Flakes.
"Saka tinanong ko si Veronica.. sabi nya dito nagtungo si mama.. para sa huling misyon nya.."
tugon ni Cloud.
Nag-arkila ng sasakyan ang tatlo para puntahan ang mismong palasyo ng mga Bringhurst. Inabot na sila ng gabi sa daan, at huminto sila sa kalsada kung saan matatanaw ang isang malaking palasyo sa malayo.
"Jin.. mag-antay ka nalang dito sa sasakyan.."
wika ni Cloud ng bumaba ito ng pick-up.
"Sandali.. malayo pa yun ah.. lalakarin nyo ba?"
tanong ng binata.
"Maraming bantay sa harapan ng palasyo nila.. mas maganda ng supresahin sila.."
sagot ni Cloud.
"Ahh ganun ba? Sige kayo ang bahala.."
tugon ni Jin.
Bago sila maglakad sa kagubatan ay may biglang nagtanong na lalaki,
"Hindi nyo ba kami isasama?".
Lumabas sa likod ng puno ang taong nagsalita at mga kasama nito.
"Jong-soo!? Yasuhiro!? Jae-eun!? Anong ginagawa nyo dito?"
tanong ni Cloud at sinalubong sya ng maliit na kaluluwa ng kumiho.
"Kumiho ikaw din.. nandito.."
dugtong ng dalaga.
"Pwede ba? Huwag mo na ngang yakapin yan.. mas cute ako diyan noh!"
wika ni Yasu at nanggalaiti ang kumiho sa kanya.
"Jae-eun.. delikado ang lugar na ito para sa sayo.."
sabi naman ni Flakes.
"Gusto ko lang kayong makita.. nag-aalala ako sa inyo eh.."
tugon ni Jae-eun.
"Hindi biro ang mga werewolves na makakaharap nyo.. kaya nandito kami para tumulong.."
paliwanag ni Jong-soo.
"Salamat.. hindi nyo naman kailangan mag-abala.."
tugon ni Cloud.
"Akala nyo ba.. magagawa nyong harapin lahat ng nandun? Na kayong dalawa lang?"
BINABASA MO ANG
Cloudberry and the wolf killer
Loup-garouDaughter of a great assassin who died from a mission. She became a weapon hunter to find the lost weapon of her mother, who was killed by a werewolf