Ang paghahanap

142 11 1
                                    

Act I

Quest 3
"Ang paghahanap"

Nagulat ang dalawang magkaibigan dahil sa kakaiba ang mga nasa harapan nilang aswang kumpara sa dati nilang nakaharap.

"Sa tingin mo ba mapapatay natin ang mga yan?"

tanong ni Flakes.

"Oo naman.. may dala akong curse weapon.."

sagot ni Cloud at ipinakita ang combat knife sa kaibigan.

"Ang daya mo! May dala ka pala!"

malakas na sabi ni Flakes.

"Eh bakit hindi ka ba naghanda ng curse weapon mo?"

tanong ni Cloud.

"Naiwan ko sa sasakyan.." malungkot

na sagot ni Flakes.

"Ha!? Tawagan mo Jin ipadala mo dito.."

mungkahi ni Cloud.

"Ay oo nga noh.. teka.."

tugon naman ng kaibigan at kinuha ang cellphone sa bulsa.

Mabilis silang nilusob ng tatlong malalaking asong aswang.

Sinubukang kalmutin si Flakes ng isa aswang ngunit naiwasan nya ito palayo habang tinatawagan si Jin.

Si Cloud naman ay hinampas ng kamay ng isang aswang mula sa itaas ngunit nakatalon sya palayo kaya naman naihampas ng aswang ang kamay sa lupa at halos bumaon ang mga kamay nito sa lupa.

Mabilis na sinundan si Cloud ng isa pang aswang at sinubukang hampasin ang ulo nya ngunit mabilis sya umilag paupo. Tumambling ng ilang ulit si Cloud palayo sa dalawang aswang at inihanda ang combat knife saka mabilis na lumusob sa dalawang aswang.

Samantala si Flakes at patuloy na sinusunggaban at nagagawa nyang ilagan ang isang aswang habang kausap si Jin sa telepono.

"Oy Jin.. dalhin mo dito yung sasakyan.. kailangan ko yung curse weapon ko.."

utos ni Flakes.

"Ha!? Hindi ko na kayo naabutan.. nasan ba kayo?"

tanong ni Jin.

"I-oon ko tracking device ko.. ikaw na bahalang maghanap sakin.."

sagot ni Flakes.

"Oh sige! Sige! pupunta na agad ako diyan.."

tugon naman ni Jin at ibinaba ang tawag.

Matapos ang pakikipag-usap ni Flakes ay binuksan nya ang tracking device na nakadikit sa cellphone nya at saka nagsimulang binunot ang baril at pinaputukan ang aswang na kanina pa nya iniiwasan.

Huminto ang aswang dahil sa dami ng tumamang bala sa kanya, ngunit tumayo ito at nakita ni Flakes na unti-unting iniluwa ng katawan ng aswang ang mga bala at naghilom ang mga sugat nito.

"Tsk! Nakakainis talaga kapag kayo nakakaharap ko.."

tanging sabi ni Flakes.

Ibinaba ng dalaga ang isa nyang kamay at ibinuka ang mga palad, maya-maya ay may naramdaman ang aswang nakaharap nya na gumagalaw ang lupang kinatatayuan nito.

Nang isinara ni Flakes ang palad nya ay agad na lumabas ang tatlong malalaki at matutulis na punong kahoy mula sa lupa at bumaon sa iba't-ibang bahagi ng katawan ng aswang.

Nanatiling buhay ang aswang ngunit hindi na nito magawang makaalis sa kinatatayuan.

"Pano ba yan? Iwan muna kita diyan.."

Cloudberry and the wolf killerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon