Werewolf and Vampire

75 5 1
                                    

Act IV

Quest 14
"Werewolf and Vampire"

Nakatingin lang ang tatlo sa matandang nakatayo sa itaas ng hagdan. Makikita ang puting buhok nito at may puting bigote at balbas. Matanda man pero isang matipunong katawan na animo'y katawan ng isang 30 anyos na lalaki.

"Ikaw pala ang lolo ko sa tuhod.."

wika ni Cloud.

"Magtigil ka!! Kahit kailan hindi kita ituturing na miyembro ng pamilya namin!"

sigaw ng matanda.

"Ang sungit naman.."

yamot na sabi ni Cloud.

"Mabuti pa.. mauna na kayo.. ako ng bahala sa isang yan.."

wika ni Jong-soo.

"Huh? Teka! Sigurado ka ba diyan? Diba sya ang pinuno ng mga werewolves?"

tanong ni Flakes.

"Oo naman.. nakalimutan nyo na ba? Ako ang master nyo.."

sagot ni Jong-soo.

"Kailan ka namin naging master?"

tanong naman ni Cloud.

"Diba ako ang nagsanay sa inyo para lumakas!"

inis na sabi ni Jong-soo.

"Parang hindi naman.. tumayo ka lang nun eh.."

sagot ni Flakes.

"Kalimutan nyo na.. mas importante ang nasa harap natin ngayon.."

tugon ni Jong-soo.

"Naduwag na ba kayo?"

tanong naman ng matanda na si Graham.

"Ako ang lalaban sayo.."

sagot ni Jong-soo at naglakad ito papunta sa tapat ng matanda sa baba ng hagdan.

"Hindi ko naman sinabing isa laban sa isa.. hindi ako nandito para makipagpaligsahan ng galing.. nandito ako.. para tapusin ang mga buhay nyo.."

wika ni Graham,

"lalong lalo na ang babaeng yan.."

dugtong nito.

"Alam nyo po.. wala po akong balak na ipagpilitan ang sarili ko na tanggapin nyo ko bilang apo.. nandito po para sa wolf killer.."

tugon ni Cloud.

"Ganun ba? Pasensya ka na.. pero hanggang dito ka nalang.."

sabi ng matanda.

Biglang nawala sa paningin nila si Graham at sumulpot nalang ito sa likod ni Cloud. Pinorma nito ang kamay na tila isang matalim na bagay at inihiwa sa dalaga.

Mabilis namang nakaharap si Cloud kay Graham at nagawang ilagan ang atake ng matanda. Nakatalon man sya paatras ay nadaplisan pa din sya ng kamay nito at napunit ng bahagya ang kanyang damit at nagkasugat sya sa tyan.

"Hehehe.. nagulat ka ba?"

tanong ng matanda.

"Mabilis sya.."

bulong ni Flakes na kasabay din ni Cloud na tumalon paatras.

Namalayan nalang ng matanda na nasa likod na pala nya si Jong-soo at pahampas na sa kanya ang kamay nito. Nagawa nya itong salagin ngunit tumilapon sya sa malayo at bumangga sa dingding ng palasyo.

"Sige na.. puntahan nyo na ang dapat nyong puntahan.. ako nang bahala dito.."

wika ni Jong-soo.

Cloudberry and the wolf killerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon