Act II
Quest 8
"Mafia"Maagang nagresearch si Jin upang alamin ang kinaroroonan ng sindikato ni Calvin. Dahil gusto na ding matapos na agad ang misyon ni Cloud sa buhay at makapamuhay ulit sya ng payapa.
"Aba ang aga mo ah!"
wika ni Cloud ng makita ang kaibigan sa labas ng templo kung saan may nasisilungang puno.
"Hindi ako maaga.. tanghali ka lang talaga gumising.."
tugon ni Jin.
"Aahhh.. 11:51am palang.. ibig sabihin maaga pa.."
paliwanag ni Cloud,
"ano na ba? May nakuha ka na bang impormasyon?"
tanong nito.
"Ang mga posibilidad na puntahan nila ay dito sa lugar na ito.."
sagot ng binata at pinakita ang laptop sa kaibigan.
"Ooohh!! Maasahan ka talaga! Sige puntahan na natin yan mamayang gabi!"
malakas na sabi ni Cloud.
"Bakit natin? Kasama pa ba ko? Kayo nalang ni Flakes.."
reklamo ni Jin.
"Kailangan kang sumama.. nung huling naghanap kami ni Flakes.. naligaw-ligaw kami eh.."
paliwanag ni Cloud.
"Sige pero sa sasakyan lang ako.."
tugon ng binata.
"Ohh sure!! Alam ko naman may pobya ka pa din sa mga mafia.."
natatawang wika ng dalaga.
"Wala akong pobya noh! Mahal ko lang talaga buhay ko.."
sagot naman ng binata.
Kinagabihan ay nagtungo sila sa isang bar, kung saan madalas magpunta ang mga miyembro ng mga bigatin na sindikato.
Umuulan ng nyebe/snow ng gabing iyon, nakasuot ng mahabang itim na leather jacket na hanggang tuhod si Cloud, naka-maong shorts at naka-t-shirt na puti at dala-dala ang kanyang sandatang baril at katana(muramasa).
Si Flakes naman ay nakasuot ng kulay military green na jacket, nakasara ito kaya hindi kita ang itim na t-shirt nya, nakapantalon na maong na itim, at dala din nito ang kanyang armas.
"Dito na ba yun?"
tanong ni Cloud nang huminto ang sasakyan nila sa tapat ng kinaroroonan ng bar.
"Oo.. doon ko kayo aantayin.. delikado dito pumarada.."
sagot ni Jin.
"Okay sige.. tatawagan ka nalang namin.."
sabi naman ni Flakes at bumaba ng sasakyan, isinabit nito ang kanyang malaking palakol sa likod.
Bumaba na din ng sasakyan si Cloud at sabay silang bumaba sa isang hagdan sa may eskinita. Nakita nila ang dalawang lalaki na may malalaking katawan na nagbabantay sa pinto ng bar.
"Sandali.. bawal ang bata sa lugar na ito.."
wika ng isang lalaki nang pigilan silang pumasok.
"Ako ba ang tinutukoy mo na bata!?"
inis na tanong ni Cloud.
"Hindi sya bata.. duwende sya.."
wika naman ni Flakes.
BINABASA MO ANG
Cloudberry and the wolf killer
Kurt AdamDaughter of a great assassin who died from a mission. She became a weapon hunter to find the lost weapon of her mother, who was killed by a werewolf