CHAPTER 1
Nakarating na ako sa apartment na tinutuluyan ko and I'm expecting na makakatulog kaagad ko. Syempre pagod eh pero hindi nangyare yun.
Masakit na ang katawan ko dahil sa Wild session kanina pero tila ayaw makisama ng mga mata ko.
Napabuntong hininga na lang ako at kaagad tumayo upang magbihis.
I'm Ken Larry Vilanuevo.
18 years old
I'm a fresh graduate of Senior High at next week ay pasukan na para sa College life ko.Nagdadalawang isip pa nga ako eh kung magco'college ako nung una pero naisip ko rin sayang ang pagkakataon. Nasa probinsya ang mga magulang ko at nakikipagsapalaran ako dito sa maynila para mag-aral.
Gusto ko ding ipamukha sa iba na kaya kong makapagtapos. Kaya kong makahanap ng magandang trabaho at kahit papano maisalba ko sa kahirapan ang pamilya namin.
Kahit na ganito ako tuwing gabi. Syempre hindi ko naman papabayaan ang pag-aaral ko noh.
Hindi sa pagmamayabang pero magyayabang na ako.
Ako yung tipong tao na tamad sa pag-aaral pero kayang makipagsabayan sa magagaling na estudyante sa aming paaralan. And I'm proud of that! Atleast hindi ako bobo at walang alam.
Matapos kong magbihis ay nahiga na ako sa aking kama.
Dahil sa hindi pa ako makatulog ay kinuha ko na lang ang laptap ko at naglog-in sa Fb.
Poser Account ang ginamit ko. Mahirap na baka makilala ako ng iba. Syempre kahit ganito ako, kailangan ko ring protektahan ang image ko lalong-lalo na sa School. Wlang nakakaalam ng totoong kasarian ko at wala akong balak ipaglandakan sa lahat.
Ano sila? Sinuswerte? Na masayang pagpipyestahan ang kasarian at kamalian ng iba?
We'll kaya nga medyo hindi ako nakikipag-kaibigan eh. Ang hirap magtiwala. Sa panahon kasi ngayon swerte ka na lang kapag nakahanap ka ng totoong kaibigan. Malas mo naman kapag nakahanap ka ng kaibigan na. Peke na nga plastic pa.
Oh diba? 2 in 1?
Napatigil ako ng tumunog messenger ko sa Fb.
May nagchat!
"Hi?" with question mark pa ha.
Hindi ko na sana bibigyan ng pansin ng magsend ito ng picture. Pak! Ang gwapo at ang sarap..."Low?" reply ko.
"I like you!" agad na chat nito.
Hmmmm. Parang gusto ko ang lalaking ito ah. So much wild and aggressive. Hindi tulad ng iba na masyadong Torpe at Pabebe. Kaurat!
"I Love you More Babe! kiss emoticon" malandi kong sagot.
Like and sinabi niya, samantalang Love naman nireply ko. Hahaha naman! Kailangan ko siyang akitin noh!
"Can we have Video call?"
Pak! Eto na ang pinakahihintay ko! Ang tanungin ako ng ganito. Feeling ko mahaba-haba ang gabing to para sakin.
"Of course!" Reply ko
May naisip akong gawin para may Thrill ang video call namin.
Tumayo ako at kinuha ang Full White mask sa Drawer ng aking Cabinet.
Magmamaskara ako para hindi kaagad makita ang mukha ko. Gusto kong tignan muna kong pasok sa banga ang lalaking to.
Nagring na kaagad ang Videocall sa messenger at kaagad kong inaccept ang tawag.
Excitement at galak ang naramdaman ko para sa mga susunod na mangyayare.
Nung una ay medyo madilim ang bumungad sakin.
Nung medyo maaninag ko na ang Tao sa likod ng Camera ay agad akong napamura.
"Fuck!"
Kaagad kong pinutol ang tawag at sinara ang laptap.
TANGINA! POSER ANG GAGO! NALOKO AKO!
Nainis ako sa nangyare at biglang nayamot.
Kung ganito pala ang mangyayare sana di ko na tinanggap ang alok nun. Pero okay na rin atleast nakita ko na ang gagong poser na yun. Atleast aware na ako.
Send ng send ng picture tapos hindi pala talaga ito ang mukha niya. Hayyssttt!
Kainis!Naisahan ako! Kahit kailan talaga ang tanga mo Ken!
Sa susunod hindi na ako makikipagVideo call. -.-
Sa inis ko ay nakatulog na ako at hindi na inisip ang nangyare.
Okay isipin niyo hindi nagyare sakin yun! Wag niyong ipagkalat malilintikan kayo sakin!
- - -
Any Feedbacks Guys? Comments? Reactions? Hahahaha
BINABASA MO ANG
Midnight Lust
RomanceREMINDER: Ang Kwentong ito ay naglalaman ng mga salita at eksena na maaring hindi niyo magugustuhan. Saklaw dito ang pag-iibigan ng dalawang magkapareho ang kasarian.(Inshort boyxboy/M2M) Kung hindi mo gusto ang ginitong klaseng kwento ay maaari mon...