Napadilat ako dahil sa sinag ng Araw!Agad kong tinignan ang Alarm clock at agad napabangon!
"Shit! Late na ako!"
Ngayon ko lang narealize na Friday pala ngayon at may pasok ako sa trabaho.
Yeah! I'm on a part time job. Fast food lang naman siya pero still medyo malaki-laki din ang kita.
Tinatamad man akong magtrabaho pero kailangan yun para sa pantustos ko sa aking pag-aaral next week.
Kung tutuusin kaya akong pag-aralin ng tita ko na nakatira din dito sa Maynila kasi nga medyo may kaya din sila pero hindi na ako humingi ng tulong. Nung una inalok nila ako pero tinanggihan ko. Hindi ako pinalaki na makapal ang mukha at tapakan lang ang pride ko. Syempre lumalaki na ako, kailangan ko ding kumayod para sa sarili ko hindi yung umaasa lang ako sa pera ng iba.
Inaamin kong ma'Pride ako pero nilalagay ko sa lugar. Pride on Manila haha. Ilagay daw sa lugar ang pride eh. Haha tawa kayo! K joke!
Nagmadali na akong maligo at nagbihis. Tingin sa salamin at medyo ngumiti.
Hindi ako tulad ng ibang nasa gitna ang kasarian na hinahabol at tinitilian ng iba.
Simple lang ako. May maipagmamalaki sa iba pero masasabi ko lang na Cute ako. Medyos sexy dahil sa kapayatan ko. Hoy! Payat is the New Sexy wag kayong ano.
Lumabas na ako sa apartment at hindi na naisipan pang kumain.
Ba't pa ako kakain eh sa fast food ako nagtatrabaho diba? Natural daming pagkain dun.hhmmmp!
Agad na akong nag-abang ng jeep at sumakay patungo sa pinagtatrabahuan ko.
Nasa may Entrance pa lang ako ng umalingaw-ngaw ang sigaw ng aking the One and Only! Tangang Bestfriend.
Yeah Right! At take note. STRAIGHT siya!
"Kennnnyyyyyy! Bwesit ka ba't antagal mo?!"
Iritabling tanong nito dun sa may counter. At tinawag pa niya ako sa bwesit na "KENY" na yan ah! Ganyan kasi tawag niya sakin, ewan ko kung bakit. Umiiral na naman katangahan niyan.
Hindi man lang alintana na pinagtitinginan na siya ng mga customer.Sa hiya ko'y napayuko na lang ako at tinungo ang kusina. Ghad! Feeling ko ako ang nahihiya sa pinaggagawa ni Bryle! Sino pa ba? Edi iyong Makapal na mukha na tanga kong bestfriend.
Umagang-umaga eh ganun ang sinalubong sakin. Kapal talaga ng mukha. Hindi na nahiya dun sa mga customer na nagaalmusal.
Sabagay, wala naman talaga siyang hiya eh, makapal ang mukha niya, Pangit siya at walang kaperfect-perfect sa kanya.
Syempre kabaliktaran yang mga pinagsasabi ko.
Kasi naman naiinis ako sa pagmumuka niya, wala ka talagang masasabi kasi perfect na! IN SHORT total Package ang appeal! Mula sa makapal na kilay, bilugang mata, matangos na ilong, pantay na mga ngipin at napakagandang ngiti. Perfect! Kaso nga lang palagi akong iniinis! kakaurat.
Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya.
Naramdaman kong kinalabit niya ako at napabuntong-hininga na lang akong humarap sa kanya.
Poker face, walang emosyon. Bahala siya.
"Saang lupalop ka na naman ng kahalayan napunta kagabi?"taas kilay niyang tanong sakin.
"Sa Mars, bakit?" Walang gana kong sagot.
Nagsalubong ang kilay niya at alam kong mabububganga na naman ito tulad ng palaging ginagawa niya sa tuwing nalalaman niyang may ginawa na naman akong hindi niya nagustuhan, like makipagsex kung kanino I think?
BINABASA MO ANG
Midnight Lust
RomanceREMINDER: Ang Kwentong ito ay naglalaman ng mga salita at eksena na maaring hindi niyo magugustuhan. Saklaw dito ang pag-iibigan ng dalawang magkapareho ang kasarian.(Inshort boyxboy/M2M) Kung hindi mo gusto ang ginitong klaseng kwento ay maaari mon...