Chapter 2

1 0 0
                                    

Chapter 2

Bigla akong nagpanic sa sinabi ni Rita sakin na biglang nagcollapsed si Jade.

Iniilang hakbang ko lang ang galing banyo papunta sa kinaroroonan nito.

Hawak siya ni Dave at pinapaypayan siya ng isa kahit malakas ang air-con.

"Jade. Nandiyan ba si Nate o si Anya? Call them now na. Jade" Tinapik tapik ko siya sa pisngi.

Oh my God.

What did i do.

Kasalanan ko. Iniwan ko kasi si siya.

Salamat at dumating agad si Nate. Agad niya itong binuhat at dinala sa opisina niya

"Okay lang ba siya? Nag banyo lang ako pagbalik ko ganyan na"

"Relax kuya Ricky. Nawalan lang siya ng malay. Normal yon" May pinaamoy si Anya sa kaniya.

Bakit parang wala lang sa kanila?

I felt so helpless. Para akong tanga dito sa isang sulok.

"Kuya salamat. Take your lunch na. Kami ng bahala kay Jade. Baka ikaw nalang muna ang pupunta magfitting. Mamayang hapon nalang si Jade"

Panu kaya ako makakakain pagkatapos ng mga nangyari.

Pero wala rin naman akong magagawa.

"Oo nga pala kuya. Nalipat ko na sa pangalan mo yong kalahati ng shares ko" Saka niya ako kinamayan ng may ngiti sa labi niya. Alam kung hindi pilit dahil pati mata niya nakangiti.

"Isa kana rin sa mga shareholders kuya Ricky"

Pero ayoko naman talaga yon. Tumango nalang ako saka umalis.

Feeling ko tuloy napakababa ko na dahil sa bagay na yon.

Hindi na ako kumain at dumiretso sa sinasabi ni Nate.

Single ako pero andami kung inaalala sa buhay ko.

Tang inang buhay to.

"Sir okay lang po kayo?"

"Ha?" Nainis na ata yong nag aassist sakin dahil napakamot na sa ulo nito.

"Matagal pa ba?" Kailangan ko ng bumalik ng opisina dahil marami pa akong trabaho.

Dinukot ko ang phone sa bulsa ko dahil bigla itong tumunog.

"Hannah. I'll be there in 1 hour. Adjust mo nalang. Maghintay sila wala akong pakialam just do it" Saka ko na pinatayan.

Bakit ba kasi napakakupad ng mga ito.

"I can take it anymore. Ako nalang magsusukat sa sarili ko" Saka na ako umalis. Narinig ko pa ang pagtawag nila pero who cares.

Ayoko ng mabagal kumilos. Nakakairita.

Nandun na ang lahat ng board ng dumating ako.

"Uncle?" I was shocked dahil nandito din siya.

Siya siguro nagpatawag ng meeting.

"Since Enrique is allready here. Puwede na natin simulan"

Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na sinabi niya.

Sinabi niya na may shares na ako sa company ni Uncle na nakapangalan na sa akin.

Ibig sabihin alam din ni Uncle ang lahat.

"Congrats Enrique" Saka nila ako binati ng mga ito.

I saw uncle smiling at me.

"Aantayin kita sa resto ni Nate 7 for celebration ijo" Saka na siya umalis.

Fall for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon