Chapter 8
Nandito ang mga kaibigan ko sa bahay kinagabihan. Kasama din si Henry kaya sobrang ingay.
Tinawag ko si Jade dahil may ibibigay daw ang mga ito sa kaniya. Ayaw pang ibigay sa akin at ako nalang ang magbibigay sa kaniya.
Arte talaga naman ng mga ito.
Dito kami sa garahe dahil maingay sila eh.
"Hi Jade" Bati ng mga ito sa kaniya.
"Hello. May ibibigay daw po kayo sa akin mga kuya?"
"Upo kana muna" Utos ni Kent sa kaniya.
"Pare matutulog na siya"
"Di naman siya magtatagal dito pare. Upo kana din"
Wala na kaming nagawa kundi umupo.
"Alam mo bang magaling kumanta si Ricky?"
"Jade wag kang maniwala sa kanila sinungaling ang mga yan" Pambihira naman ang mga ito.
"Tingnan mo to" Nakatingin din ako sa kanila. Kinuha ko ang phone.
"Kuya Ricky" Naku naman.
"Panoorin ko lang. Sige na please" Hay bakit ba pag si Jade.
Binigay ko na sa kaniya saka niya pinanood.
Sinamaan ko ng tingin ang mga ito na pasimple pang tumatawa.
"May dala kaming gitara sayo pare"
"Tangina niyo magsiuwian na nga kayo" Nagtawanan lang ang mga ito.
"Gusto mo bang kumanta siya Jade?"
"Oo. Kuya Ricky kumanta kana" Kinuha pa niya ang gitara saka inabot sa akin.
"Sige na kuya Ricky Please"
"Pagbigyan mo na Pare"
"Please kuya"
Anu pa nga bang magagawa ko. Kinuha ko ang gitara kay Jade at pumalakpak pa ito.
"Anu bang gusto mo?" Tanung ko kay Jade.
"Kahit na anu kuya"
Saglit akong nag-isip. Anu nga ba?
CTTO
Kahit sa kanta man lang marandaman niya na mahal ko siya.
Okay lang kahit ako lang ang nagmamahal.
Okay lang kahit masaktan ulit.
"Ang galing mo naman kuya Ricky" Pumalakpak pa ito ulit ng nakangiti.
"Salamat"
"Heto ng ibibigay namin sayo"
"Wow!" Malalaking manga na mahahaba na nasa plastic.
"Akin na siya pa pagbubuhatin niyo mabigat na nga"
"Sa kaniya yan Pare"
"Alam ko. Halikana sa loob Jade"
"Salamat mga kuya"
"Walang anuman"
Pagpasok namin ay akala ko kung anu ang kukunin niya sa kusina. Kutsilyo at plato pala.
BINABASA MO ANG
Fall for you
RomanceFate 2 : Fall for you Enrique Kiel Collins Ang lalaking allergic sa babae dahil minsan ng nasaktan. One contract para makapagpabago ng kanyang pananaw sa babae. What if tuluyan na siyang mainlove pero huli na pala ang lahat? Will he fight for it? #...