Chapter 16 - Finale

3 0 0
                                    

Chapter 16
Finale

5 years Later

"Cum Laude. Collins Jade F. Ba" Tumayo si Jade na inalalayan ng asawa para umakyat ng stage.

Lahat ay pumalakpak. Pati ang dalawa niyang anak ay pumalakpak ng marinig ang pangalan ng kanilang ina. Katabi ang kaniyang mga yaya. Sa likod ay ang pamilya nito.

Kabuwanan na nito sa pangatlo nilang anak.

Si Enrique ang nagsuot ng medalya nito.

"Congratulations" Binati sila ng mga prof. at Dean.

Nang bumaba ito ay nakatakas si Conrad sa yaya nito. Hahabulin sana ng yaya nito pero pinigilan ni Nate. Dala nito ang isang boquet ng bulaklak na halos hirap pa niyang buhatin.

"Mama!" Ang mag apat na taong gulang na si Conrad.

Kinuha siya ng ama.

"For you mama"

"Thank you anak" Saka nito hinalikan sa labi ang ina. Gusto niyang pumunta sa ina pero pinigilan ng ama.

"No Conrad. Mahihirapan na si mama"

Nakahinga si Jade ng maluwag ng natapos na.

Kanina pa kasi niya nararamdaman ang tiyan niya.

Hindi na niya nagawang maibato ang toga niya dahil biglang humilab ang tiyan nito.

"Enrique!" Sigaw nito na nagpatigil sa crowd.

"Manganganak na ako" Biglang nagsigawan at palakpakan ang lahat.

Agad lumapit si Nate at Henry. Kinuha ni Anya si Conrad. Wala ang kambal nila at ang bunso dahil naiwan sila sa mga lolo at lola nila.

Ganundin ang dalawang anak nila Tina at Henry.

"Mahal hinga malalim" Habang hawak ang kamay ng asawa habang papunta ng ospital. May isang estudyang graduate ng nursing ang sumama para alalayan si Jade.

"Bayaw baka ikaw kailangan huminga ng malalim" Butil-butil na kasi ang pawis nito.

"Aahhhh!!"

"Lalabas na siya friend" Ang sabi ng nurse.

"Kunting push pa" Nag alcohol na ito habang nasa daan na sila.

Nakaready na rin ang pambalot sa bata na hawak ni Nate.

Malapit na sila sa ospital ng ng lumabas ito.

Nakahinga ng maluwag ang mga ng umiyak na ang sanggol.

"Lalaki"

"Lalaki ulit" Sabay na sabi nina Henry at Nate.

Surprise kasi ang gender ng bata.

"Ang bunso ko" Kinarga siya ni Enrique.

"Sigurado kang bunso na yan?" Natatawang sabi ni Nate.

"Baka puwede pang isa" Hirit ni Henry.

"Wag na tama na. Mahal tingnan..." Wala ng mahal di Jade.

"Jade" Biglang nagpanic ang tatlo.

Agad dinala sa ER ang mag-ina.

"Bayaw umupo ka nga" Utos ni Henry.

"Kuya Ricky ayos lang sila" Sambit naman ni Nate.

Dumating sina Panio at Ebrahim.

"Kumusta ang anak at apo ko? Nanganak na ba siya?"

Tanung ni Panio.

'Nanganak na po sa daan. Pero nawalan po si Jade ng malay pagkapanganak Tang" Si Nate ang sumagot dahil di mapakali si Enrique.

Fall for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon