Chapter 14
Enrique's POV
Hindi ko akalain may isasaya pa pala sa buhay ko.
Ang pagbabalik ni Jade. Akala ko hanggang dito nalang talaga ang buhay ko. Hindi ko na talaga kasi kaya ang sakit na nararamdaman ko.
Pero ng narinig ko ang boses niya lahat ng sakit at pait na dinaramdam ko lahat yon nawala.
"Bakit ka nangingiti?" Puna ni Ulysses sa akin habang panay ang pagsabon sa akin.
Pinaupo nila ako sa silya dahil diko kayang tumayo ng matagal.
Malamig pa ang pinanligo sa akin. Para raw mabuhay ang dugo ko.
Hindi ako hubo't hubad. May boxer parin akong suot.
"Gusto mo bang madiretso sa mental" Singit naman ni Brian.
"Diba puwedeng masaya lang"
"Siguro naman ngayon ititigil mo na ang pag-inum. Gago ka buti wala ka pang ulcer"
"Salamat. Dahil di niyo ko iniwan. Pinagtiyagaan niyo ako"
"Ayaw namin ng drama pare"
"Yong mainit mga siraulo" Bigla kasing binuksan ni Brian ang shower tinutok pa sa katawan ko at di pa mainit.
Natawa pa ang dalawa.
"Tangina niyo" Na kinatawa pa nila.
"Bumalik na rin si Enrique. Wag kana ulit tumambay sa museleo ha. Mahirap maghanap dun" Natawa nalang ako sa sinabi nito.
"Namiss namin yan Rick"
"Salamat"
Si mommy ang pumasok na nagbigay ng towel at pagbihisan ko. Sila narin ang nagbihis sa akin.
Nasa loob ng kuwarto si Jade ng lumabas na kami ng banyo.
Pinaupo nila ako sa gilid ng kama.
"Panu alis na kami. Ikaw na bahala sa kaniya. Ipukpok mo yang mga basyo ng bote sa ulo niya pag uminom ulit" Paalam ni Ulysses.
"Salamat mga kuya"
"Wag kang magpasalamat dahil may bayad kami. Sige" Saka na umalis ang dalawa saka sinara ang pinto.
"Sina Nate?"
"Umalis na sila dahil nahihilo pa daw si kuya. Sandali"
"Jade" Hinawakan ko siya sa kamay sa pagtangka nitong umalis.
"May kukunin lang ako kuya Ricky. Saglit lang ako" Binitawan ko na siya.
Inayos ko ang upo ko sa kama. Maayos na ulit ang kama na magulo. Sumandal ako sa may headboard ng kama.
Pagpasok ni Jade ay may dala na itong mangkok na umuusok pa.
"Sabi ni mommy wala pa daw laman ang tiyan mo kahapon pa" Nilapag nito sa ibabaw ng side table. Sinunod ni mommy ang tubig.
Nakatingin lang ako kay Jade. Parang mas lalo siyang gumanda ngayon.
"Kain na" Binubuka ko nalang ang bibig ko sa tuwing sinusubuan niya ako.
Hanggang ngayon parang panaginip parin ang lahat. Na nandito na siya ulit.
"Nasan si Amythest?" Bigla itong natigilan sa pagsubo sa akin ng marinig ang pangalan ng anak niya.
"Kinuha siya ni Gary sa akin"
"Anu? Jade wala siyang karapatan sa bata. Bakit mo hinayaan na kunin siya sayo?"
BINABASA MO ANG
Fall for you
RomansaFate 2 : Fall for you Enrique Kiel Collins Ang lalaking allergic sa babae dahil minsan ng nasaktan. One contract para makapagpabago ng kanyang pananaw sa babae. What if tuluyan na siyang mainlove pero huli na pala ang lahat? Will he fight for it? #...