Chapter 1
Collins Mansion
Naghahanap ng makakain si Jade sa ref.
"Kanina ka pa butingting ng butingting diyan ah" Nagulat pa ito at napahawak sa tiyan niya.
Wala pa ang umbok ng tiyan niya pero
"Kuya wag ka ngang manggulat. Naghahanap lang ako ng makakain"
"Wag mo kong isusumbong ha" Dagdag pa nito.
"Anu ba kasing hinahanap mo at magluluto nalang ako. Baka gusto mo diyan kana tumira"
"Gusto ko ng manga kuya"
Natawa si Nate sa sinabi ng kapatid.
"Manga nandiyan ka sa ref? Jade niloloko mo ba ako?"
"Hindi kuya" Kumuha nalang siya ng ice cream.
"Pagkatapos mo diyan sumunod ka sakin sa kuwarto ko mag uusap tayo"
"Sige kuya"
Naglagay ito sa baso saka sumunod sa kuya nito.
"Kuya" Sumusubo pa ito.
Nakaupo si Nate sa gilid ng kama. Tumabi ito.
"Anu yon kuya?"
"Ubusin mo muna yan"
"Ayoko na" Saka binaba sa may mesa malapit sa bed.
Tiningnan ni Nate si Jade.
"Kuya ang seryoso mo naman anu ba yang sasabihin mo?"
"Makinig ka sakin Jade" Hinarap si Jade.
"Kuya nakikinig ako" And she rolled her eyes.
"Dukutin ko yang mata mo wag mo kong ginaganyan"
"Anu nga kasi yon? Tagal naman" Naghikab ito.
"Magpapakasal ka kay Enrique"
"Magpapakasal?Ako?Kay Kuya Enrique? Yong pinsan mo?"
"Jade hindi ko siya pinsan"
"Bakit? Kuya ayaw mo na ba ako dito?" Agad itong napaluha.
"Jade hindi. Makinig ka muna kay kuya" Pinunasan ang luha nito. Naging iyak ang mood nito.
"Jade" Niyakap ito.
"Babalik nalang ako kina Tatang"
"Jade no. Ayokong bumalik ka dun. Pansamantala lang to Jade hanggang maipanganak mo lang ang anak mo. Para maging isa siyang Collins siya"
"Kuya si kuya Gary ang ama niya hindi si kuya Enrique"
"I don't care Jade. Wala kang mapapala sa kaniya dahil ikakasal na siya. Anung magiging papel mo kabit? Jade gusto mo yon?"
"Jade this is not forever. Hanggang lumabas lang ang bata. Tahan na please"
"Dun ako titira sa kaniya?"
"Yes Jade. Pagkatapos ng kasal niyo hanggang maipanganak ang bata. Ito lang ang paraan para dika mauwi sa kahihiyan pag uwi mo Jade"
"Jade di naman kita papabayaan dun"
"Pero sabi ni ate Anya masungit daw si kuya Ricky" Nagpunas ito ng luha.
"I know you can handle him Jade"
"Panu ang pag aaral ko?"
"Titigil ka muna hanggang makapanganak ka. Maselan ang lagay mo kaya sa bahay ka lang" Napatango si Jade.
BINABASA MO ANG
Fall for you
RomantizmFate 2 : Fall for you Enrique Kiel Collins Ang lalaking allergic sa babae dahil minsan ng nasaktan. One contract para makapagpabago ng kanyang pananaw sa babae. What if tuluyan na siyang mainlove pero huli na pala ang lahat? Will he fight for it? #...