Chapter 7

2 0 0
                                    

Chapter 7

Jade's POV

Bakit ko ba kinalimutan yon. Na pera lang pala ng lahat ng ito. Na kaya niya ako pinakasalan dahil lang sa inalok ni kuya sa kaniya.

Bakit ba ako nasasaktan.

"Jade. What's wrong? Bakit ka umiiyak ha" Tiningnan ko si kuya saka niya pinunasan ang mga luha ko.

"May masakit ba sayo? Sabihin mo kay kuya"

"Kuya pangit ba ako?"

"Bakit mo nasabi yan? Hindi ka pangit Jade. Walang nagsasabing pangit ka" Saka ako yumakap kay kuya na umiiyak.

"Jade tama na. Halikana ihahatid na kita sa kuwarto mo" Inalalayan ako ni kuya makatayo.

Nagtoothbrush muna ako bago nagshower. Pagtanggal ko ng panty ko ay may mga dugo.

Bigla akong nagpanic.

"Kuya!" Agad pumasok si Kuya. Pagdating kay kuya ay wala na akong tinatago. Nakakaramdam na ako ng hilo.

"Jade bakit?"

"May.." Hanggang maging black na ang paningin ko.

...

Enrique's POV

Nasa labas ako nagpapahangin hawak ang beer na binigay kanina ni daddy ng napasigaw ang isang maid kakatawag kay dad.

"Bakit?" Tanung ni dad ng makalapit ito.

"Si senyorita Jade po" Nang marinig ko ang pangalan niya ay agad akong nanakbo sa loob.

Dumiretso ako sa kuwarto niya. Alam ko dahil katabi niya ang magiging kuwarto ko.

Walang malay si Jade na karga ni Nate.

"Nate what happen?"

"I dont know. Yong sasakyan naihanda na ba?" Nakasunod lang ako sa kaniya habang nagmamadali itong naglalakad. Inalalayan ko sila sa hagdan.

Sumama silang lahat sa ospital.

Labis-labis ang pag aalala ko ng makitang putlang-putla si Jade.

Nang marinig ko sa doktor niya na normal lang yon medyo naginhawaan ako.

Iniisip niya kaya yong sinabi ko sa kaniya kanina. Pinagsabihan kasi ako ng doktor na iwasan siyang mag alala lalo na ang ma stress.

I felt guilty dahil sa mga nasabi ko sa kaniya kanina. Anu ba kasing pumasok sa utak ko at nasabi ko yon.

Ako ang naiwan kay Jade na nagbantay sa kaniya.

Hindi ko dapat siya sinasaktan dahil hindi siya ang nanakit sa akin. Hindi ko dapat siya dinadamay sa sakit na naramdaman ko noon. Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko pag nawala ang baby niya.

"Im sorry Jade" I'm holding her hands right now baka sakaling magising ito. Pero mahimbing na itong natutulog. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako umidlip sa gilid ng kama niya na hawak ang kamay nito.

...

The next morning i woke-up wala na ito sa kama.

"Jade!"

"Nandito ako sa banyo"

Agad akong lumapit sa pinto ng banyo.

"Bakit hindi mo ko ginising? Panu kong madulas ka diyan sa loob"

"Okay lang ako kuya" Bumukas ang pinto saka ko siya inalalayan agad.

Nakangiti patin ito na lumabas. Gusto ko tuloy batukan at iuntog ang ulo ko sa mga sinabi ko kagabi sa kaniya.

Fall for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon