Chapter 10
5 Months Later
Enrique's POV
Kakatapos ko maligo ng makitang wala na sa kama ni Jade.
Nasa kama lang kasi siya kanina nagtutupi ng mga damit.
Nilabhan ko kasi kahapon ang mga damit ng baby. Bumili na kami nung isang buwan pa.
Nagpaultrasound narin siya at babae ang magiging baby niya.
May napili narin siyang pangalan sa bata.
Kumpleto na siya sa gamit pati narin ang crib.Kabuwanan na niya itong buwan.
Anytime ay puwede na siyang manganak. Nakaready narin ang mga gamit incase na bigla itong manganak. Nakaleave narin ako ng isang buwan.
Napakabilis ng mga araw. Kung puwede ko nga lang hilahin pabalik ang ang araw gagawin ko. Pero hindi heto na malapit na siyang umalis sa akin.
Hindi naman ako ganun kamakasarili para itali siya sakin ganun wala naman mabigat na dahilan.
Sapat na ang mahalin siya.
Nakita ko siya sa may sala. Hindi ko alam anung ginagawa nakatalikod siya kasi.
"Jade? Anung ginagawa mo?" Naggugupit ito ng kuko sa paa mag-isa.
"Sumabit kasi yong isang kuko ko kanina mahaba na pala"
Kinuha ko sa kaniya saka ako umupo sa carpet.
"Sabihin mo kung masakit"
"Ang gaan ng kamay mo kuya Ricky. Nakabili na kaya ng mga bote si kuya?"
"Oo ihahatid daw nila bukas dito. Busy pa daw kasi sila sa opening"
May bago kasing branch ang resto ni Nate sa makati. Mas malaki ito kesa main niya.
Hindi ginalaw ang nakatransfer sa akin. Wala akong balak na ibenta yon. Di ko naman pinaghirapan yon para mapunta sa akin.
Tiningnan ko lang at halos kasinglaki lang ng kay Nate. Parang di nga bawas ang sa kaniya ganun parin.
"Sayang noh di tayo makakapunta sa opening"
"Maiintindihan naman nila eh"
Tumunog ang phone ni Jade.Ilang araw ng busy parati ito sa phone niya. Kung hindi ito may kausap ay katext naman.
Katulad ngayon. Panay ang text niya. Nangingiti nalang ng walang dahilan. Di ako magtaka kung si Gary ang katext niya.
Masakit sa part ko. Sinung di masasaktan.
Robot siguro siya kung di siya nakakaramdam ng sakit.Pinili ko ito eh.
"Aray kuya"
"Sorry" Tiningnan ko si Jade at nakangiti ito. Ilang araw nalang wala kana dito.
Mamimiss ko lahat ng mga masasayang araw na kasama kita."Tapos na"
"Salamat kuya" Hindi na bago sa akin ang paglalambing niyang yayakap siya at minsan ay hahalik siya sa pisngi ko. Mga bagay na yon na siguradong hahanap- hanapin ko pag wala na siya sa akin.
"May gusto ka bang kainin sa tanghalian?"
Tanung ko sa kaniya."Kahit na anu kuya" Pero sa phone niya nakatutok ang mga mata niya.
"Anak panay ang galawa mo ha"
"Puwede ko ba siyang haplusin?" Nang tumabi ako sa kaniya.
"Oo naman kuya"
BINABASA MO ANG
Fall for you
RomanceFate 2 : Fall for you Enrique Kiel Collins Ang lalaking allergic sa babae dahil minsan ng nasaktan. One contract para makapagpabago ng kanyang pananaw sa babae. What if tuluyan na siyang mainlove pero huli na pala ang lahat? Will he fight for it? #...