Chapter 9

1 0 0
                                    

Chapter 9

Nasa kama na ako paggising ko kinaumagahan.

"Anak. Salamat naman gising kana" Napatingin ako kay mommy. Umiyak ba si mommy at mugto ang mga mata niya.

"Whag happened mom?"

"Nawalan ka ng malay kagabi. Buti pinasundan ka ni Ebrahim dito sa bahay. Si Henry at Ulysses ang nakakita sayo dito. Pinasunod pati yong doktor"

Nagcollapsed pala ako kagabi. Napakarami ko na kasing iniisip.

Napabangon ako bigla ng maalala ko si Jade.

"Anak magpahinga kana lang muna. Yon ang sabi ng doktor"

"No mom" Agad hinanap ang susi ng kotse ko.

"Kukunin ko si Jade"

"Anak wag na. Hayaan mo na siya dun"

Napatingin ako kay mommy.

"Alam mong kinuha na siya di mo man lang sinabi sakin?"

"Anak ayokong masaktan kana naman ulit"

"Bakit di pa ba ako nasasaktan sa ginagawa niyo ngayon?" Diko na mapigilan magtaas ng boses.

"Stop crying mom hindi yan nakakatulong sakin" Saka na ako lumabas.

"Enrique" Si Henry na halatang kakagising lang.

Umalis ako kahit nakapantulog pa ako at wala pang hilamos o anuman. Kailangan kong makuha si Jade.

...

"San po pupunta si Ricky?" Tanung ni Henry kay Paulina.

"Pupuntahan daw niya si Jade. Kukunin daw niya ito Henry"

Agad hinugod ni Henry ang phone saka may tinawagan.

"Hello Nate nasan ka? Papunta diyan ngayon si Enrique kukunin daw niya si Jade. Hindi ko na napigilan. Dumating ng kinatatakutan ko Nate. Sinabi ko ng hindi magandang ideya ang ginawa mo. Papunta na ako diyan" Dinampot nito ang susi.

"Aalis na po ako. Susundan ko po si Enrique"

"Salamat iho"

Nanakbo ito palabas ng bahay.

...

Nang maipasok agad ni Enrique ang sasakyan agad itong bumaba ng kotse saka pumasok sa mansiyon.

Nadatnan sa sala ang pares na mag-asawa.

"Ricky ijo. Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Kalmado ito pero bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala.

"Nasan po si Jade? Iuuwi ko na si Jade"

"Jade will be staying here kuya Ricky. Hindi na siya babalik dun"

"Matino ka ba talagang kausap?! Ang linaw ng usapan natin Nate pumirma pa ako sa punyetang kontrata na yan tapos yan lang sasabihin mo!"

"Rick calm down" Hahawakan sana ni Ebrahim si Ricky pero winaksi nito ang kamay niya.

"Calm down? Panu ako kakalma kung ginagago niyo na pala ako"

"Kuya hindi ka namin ginagago. Hindi ito yong plano. Hindi.."
Hindi nito naituloy ang sasabihin.

"Oo wala sa plano na mahalin ko si Jade pero nangyari na. Mahal ko na si Jade"

"Pero hindi ikaw ang gusto niya Kuya" Diretsong sabi ni Nate.

"Alam ko at wala akong pakialam"

"Kuya mas lalo kang masasaktan sa gagawin mo pag pinayagan ka naming ibalik si Jade"

Fall for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon