Chapter 8

5 2 0
                                    


Black's POV

Tanaw na tanaw namin ang malaking mansyon ng mga Herera. Kasama ko naman sina Drake,Blue at si Cyrstal.

Eto ang unang misyon namin. Papasukin namin ang mansyon. Nabalitaan ko na nawala bigla ang anak ni Ricardo na si Alex sa underground lumipad na daw ito pa america. Pero may parte sakin ang hindi naniniwala duon.

"Blue dun kayo ni Drake sa unahan papasok dito kami sa likod ni Crystal. Lahat kami ay naka face mask na halos mata lang ang kita at noo. Lahat kami ay naka black. Para wala talagang makapansin.

Walang bantay ang mansyon.

Andito ako para kumuha nang ilang impormansyon sa aking pinaka mamahal na katunggali. Sa totoo lang di ko pa talaga ito nakikita. Pero sigurado akong mas gwapo ako dito.

Inakyat ni Crystal ang bakod. At hinila ang kamay ko nang makaakyat na ito.

Pambihira imbis na ako ang umaalalay dito ay ako pa ang inaalalayan nito. Tch.

Nakakabakla.

Ang lambot nang kamay nito. Nakaponytail ito at kagaya samin ay noo lang ata mata ang kita dito.

Kahawig talaga sya nung babaeng gang ng Herera. Pero hindi, dahil ang babaeng yun ay asul ang mata. Habang ang kay crystal ay dark.

"Boss ang tumal mo. Dalian mo! Para kang gago e." inis na inis na ito at palinga linga.

Hilig mag mura tch.

Hinila nya ko at nakatawid na kami sa mataas na bakod.

Pinasok namin ang dirty kitchen. Natabig ko ang vase na nasa gilid ng pinto. Huh? Bat may vase sa pinto?

Tch.

"Mag ingat ka nga! Mahuhuli tayo nyan e!" sigaw nya sakin na pabulong.

I mouthed sorry to her pero inirapan nya lang ako.

After ilang minuto. Nasa harap na kami ng isang malaking pinto.

Na may naka ukit na rosas.

Kaninong kwarto kaya ito?

Tinanguhan ko si Crystal ako ang bahalang mag bukas ng malaking pinutuan at sya naman ang look out.

After 10 mins

"Gago ka! Uumagahin tayo sa sobrang kupad mo!" nanggigil na kinuha nya sakin ung pin. E sa ang hirap e!

Umisod ako nang konti. At paaaak. Isang ikot lang nya. Nag click na kaagad at bumukas.

Sssh. Kumukupas na ba ko sa mga ganitong bagay?

Dahan dahan naming sinara ang pintuan.

This is it! Alam kong eto na ang kwarto nang anak ni Ricardo. Pero teka. Bat parang ang linis. Kung walang tao dito bakit tila napakalinis nito? Sabagay baka may mga house keeper ang mga Herera.

Bubuksan ko na sana ang isa sa mga drawer pero bigla akong hinablot ni Crystal. "Ano?"asik ko dito.

"Wag kang tanga may nakita akong daga. Baka yan pa maging dahilan natin para mahuli kung nakita mo yon at bigla kang magsisigaw."

Tinaasan ako ng balahibo sa sinabi nya.

Putaaa dagaaa. Tinulak ko sya sa drawer na gusto kong buksan kanikanina lamang. "Ikaw na magbukas"

Tumalikod na ko. At kumapa ng kumapa sa dilim. Tangina asanaba ung flash light ko?

Naglakakad ako papunta sa closet ng matalisod ako. Kingina.

Marahas akong hinila patayo ni Crystal. "Tanga ka talaga!" nanggigigil na buga nito sa mukha ko.

Napapikit ako ng konti. Shet ang bango ng hininga!

Mabilis akong napamulat nang maramdamang may kumagat sa pisngi ko. Ay putaaa.

Tiningnan ko sya nang masama.

Inirapan nya lang ako at lumayo na sa akin.

Kakapa kapa akong gumagapang nang may mahawakan akong teka ang lambot. Ano ba to. Inangat ko ito at napangisi. Mahilig pala si Alex sa sports bra? What the.

Nag uuwi siguro ito ng babae dito.

Kumapa kapa pa ako. Marlboro Black? Liptint? Panty liner na di pa bukas? Napkin? Lipstick? Fvck. Bakla ba tong Alex na ito. O talagang babaero lang?

Palapit na sana ako kay Crystal nang biglang bumukas ang pinto at may anim na anino na papasok.

Fucking hell!

------

The KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon