7/11 encounter

540 14 0
                                        

S E P T E M B E R      1 1      2 0 1 8
------------------------ 👪 -------------------------

Anghel's Point of View

MESSENGER

samahang walang iwanan

hoy mga putcha! 10 minuto na akong naghihintay d2 sa 7/11! may balak p b kyong cputin ako, mga ggo?

pinakagagong miguel
ulol! bat ang aga mo kase?

taena niyo usapan natin 10 ng umaga. mag-aalas dose na, maaga pa ba yun ha gago?

pinakatangang pablo
10 means 1 tol, ikaw yata ang pinakatanga!

tanginang ryker
kagigicng ko lng mga tol skl

pinakagagong miguel
nagicng kpa?

tangnang to, nakuha mo pa ishare saamin? bilisan niyo huy!

lintek na torpeng cloud
otw na ako mga tol skl

tigil-tigilan niyo ako sa skl skl na yan, nayayamot na ako dito. ang dami ng tumititig na babae sa gwapo kong mukha, maawa naman kayo saakin. pinapapak na nila ako.

Sinarado ko na muna ang cellphone ko tsaka lumingon-lingon sa paligid.

Mga putcha talaga! Akala ko naman ay late na ako dahil alas-dyes ang usapan na oras at mag-aalas dose na ako nakarating, ngayon pala ay ako pa ang nauna dito.

Free time kasi namin ngayon at napag-usapan namin na maglalaro kami ng basketball dito sa subdivision nina Inna. Katatapos lang kasi ng exam week aka hell week namin kaya it's time to chill. Tapos ang mga gago, late pa darating!

Mabuti na lang at hindi na ako naglalako ng bananaque at kamoteque ni Nanay kaya madalas ay nakakapaglibang ako ng ganito. Itinigil na namin ang business naming iyon mula noong mawala si Inna.

Habang wala ang mga walang kwenta kong tropa, napalingon ako sa mga napapadaan kung saan ako nakatayo ngayon. Ang tagal na rin mula ng huling beses akong nagpunta sa subdivision na ito. Mabuti nga at kilala pa ako nung guard kaya pinapasok ako. Exclusive kasi itong subdivision, puro artista at mayayamang tao ang mga nakatira.

Ilang kanto na lang ang dadaanan ay mararating ko na ang bahay nina Inna.

"Ugh! Ikaw nanaman ang nasa isip ko, Inns." Napapailing na sabi ko. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong nag-iisa. Parati siyang nagagawi sa isip ko at ikinababaliw ko iyon parati.

"Putchang mga yun, napakakupad kumilos!" Reklamo ko tsaka inilabas ang cellphone ko para ipaalala sa kanilang magbebente minutos na akong naghihintay dito sa 7/11.

Hoy mga ulol, magbebente minutos na ako dito. Anu na?

lintek na torpeng cloud
otw na ako pre

Hayop ka, Cloud, kanina pa yang otw mo. Otw pa lang yata sa banyo yan.

lintek na torpeng cloud
di naman pre, otw sa closet. wat to wear?

pinakagagong miguel
ako bro otw na ako dyan for real

tangna mo cloud wag ka na lng magdamit lol!

i have a secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon