Chapter Twenty Nine

14 2 0
                                    

pauso tong mga kaibigan ko! simula nung sinabi ko sakanila yun, gawa na sila ng gawa ng kung ano anong paraan! badtrip!

at eto nga ngayon tambay sa tea shop sa tapat ng school nagtatago ako sa mga kaibigan kong letcheng di nauubusan ng mga plano

plan 1: (monday)

after flag ceremony. pagkabalik ng classroom. ung table ko puno ng sticky notes. mga 16 tas heart yung gitna. at ang mga nakalagay sa sticky notes.. banats.. plot twist: hand writing nya

plan 2: tuesday

pinaggroup kame into 6 member groups. ang nilalaman: ako, Flee, Cyan, Breean, Daniel, James

kameng dalawa ang pinagsulat sa blackboard. syempre gora the f ayoko mag report! habang nagsusulat sa blackboard biglang nag tilian..

"Mr. & Mrs. Santos.." sabi ni ma'am

"ma'am, Roxas po.." sabi ko habang nakatalikod

"I'm sorry Santos kasi nakalagay sa list of members. and ung sticky notes sa likod nyo"

wednesday ngayon at napaparanoid na ko sa mga plano nila. kaya nagtatago ako dito sa tea shop, dahil hindi naman sila tea fan. umorder ako ng wintermelon at hinarang ang menu sa mukha ko habang umiinom ng tea. biglang may pumasok sa shop at umupo sa katabing table

"pssst.."

"hoy Santos anong ginagawa mo dito?" halos pabulong kong tanong

"nagtatago. grabe sila.." sabi nya

tumabi sya saken at nagtakip din ng menu.

"huy! nangagaw pa to!" pagrereklamo ko

"shh.. nasa labas sila" sabi nya

sumilip ako. at oo nga andun nga sila sa tapat at tila may hinahanap

pagkaalis nila agad na binaba ni Daniel ung menu at uminom sa tea ko!!!!!

"sarap!" sabi nya

"inang yan! akin yan eh! bat ka uminom!" pagrereklamo ko

"anong masama dun? damot naman neto!" pagrereklamo nya din

"ikaw pa may ganang magalit ah! tangna naman.." pasigaw kong sabi

"ano ba big deal dun?" tanong nya

"tangna naniniwala kasi ako sa indirect kiss letche ka!" angal ko

"suuuss.. kiss pa kita ng direct dyan eh!" sabi nya sabay lapit ng mukha saken. sinupalpal ko mukha nya tawa naman sya ng tawa

"tara nga! lipat tayong taguan baka mahanap nila tayo dito.." sabi ko sabay hatak

"may alam akong taguan" sabi nya

"urur mo baka kung san mo lang ako dalin" sabi ko

"trust me on this one.."

She had fallen.. (Love? What Love? REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon