Chapter Seven

47 3 0
                                    

[Leah's POV]

kinabukasan pumasok na ko. medyo ok na pakiramdam ko tsaka ang boring kaya sa bahay! wala kasi ung bunso kong kapatid eh. hindi ko matagalan.

"oh bat pumasok ka na?" tanong ng leche kong katabi

"eh pake mo! ayaw mo di wag!" sagot kong pasigaw nakabadtrip eh umgang umaga nanggagago

"hindi naman yun ibig kong iparating! nag aalala lang ako baka di pa okay ung pakiramdam mo!!" sagot nyading pasigaw. grabe himala sumigaw sya? hindi nameng napansin nakatingin na samen ang buong klase

"yiiiiiiieeeee~~" sabay na sigaw ng mga babae

"binata na pre!","nagaalala lang naman pala eh!","tama na! dameng langgam oh" sabi nan ng mga lalaki

padabog kong binagsak ang libro ko sa desk.. nagiwas naman sila ng tingin

"pauso ka talaga eh no!" angil ko sa kanya

"ano! nag aalala naman talaga ko e--" pero bago pa nya matapos ang sasabihin nakaramdam ako ng hilo, buti nalang at nasalo niya ko

"sabi ko naman kasi sayo, maupo ka na nga, may dala ka bang gamot mo?" sabi nya na ay bakas na pag alala

"bigyan mo kasi ng yakasule!" sabi ni Cyan

"o kaya ng kisspirin.." sabi naman ni Flee

"kung di ka pa kuntento bat di nyo try ang biogese--" agad namang tinakpan nila ang bibig ni Breean. si Kate tahimik lang, anyare sa kanya? dati pag ganito may banat din yan eh

..

recess na.. pero feeling ko sobrang pagod na pagod na ko. I took a few minutes nap wala rin naman akong ganang kumain. buti nga't nakisama tong si kupal at hindi nanggugulo.

nang matapos ang recess. sobrang hilong hilo na ko, what happen? nakaidlip naman ako ah? tinawag ako ni ma'am pero ilang steps palang I feel like collapsing.. bat parang hindi ko pa na fefeel ung floor?

"hayy.. pasaway ka talaga.." sabi nya

"ma'am, ako na po magdadala sakanya sa clinic" pag vovolunteer nya

"ay nako, sige na iho at baka mapapaano pa sya" may pagaalalang sabi ni ma'am

bubuhatin nua na sana ko pero pumiglas ako.

"piggy back?" tanong ko

"hayy.. kahit kelan ang childish mo" sabi nya habang lumuluhod sa harap ko. umangkas na ko sa likod nya kasi pakiramdam ko di ko na kaya

may mga kumento ang mga classmates ko pero di ko na sila pinansin

..

lumabas na kame ng classroom. pero ang bagal nyang maglakad.

"kaya mo pa ba?" tanong nya

"hmm.. ewan.." matamlay kong sagot

"bagalan ko lang ah, ang tagal kong pinangarap to" sabi nya pero hindi ako makareact dahil hindi ko kaya

"haha, grabe epekto sayo ng lagnat.. ang tahimik mo.. hindi ako sanay" sabi nya

"..."

"eto na.." sabi nya. kumatok muna sya sa pinto bago pumasok.

"walang tao?"

ihiniga nya ko sa kama at kinapa ang noo ko.

"init mo grabe, uminom ka na bang gamot?" tanong nya. umiling ako. kaya pala ko nabinat hindi ako nakainom ng gamot

"pasaway ka talaga.." sabi nya habang nagkakalkal at naghahanap ng gamot. maya maya'y inabutan nya ko ng gamot at isang baso ng tubig

"oh inumin mo. baka mapano ka pa dyan, hindi ko mapatawad sarili ko" sabi nya, kinuha ko atsaka ininom. at humiga sa kama.

"magpahinga ka dyan. ako bahala sayo" pagkasabi nya nun as if I'm under a trance and in a snap I fell as sleep

..

Daniel's POV

mahimbing na ang tulog nya. ang sarap nyang panuorin.. parang dati lang habang nasa ilalim ng puno--

"oh may tao pala. pasensya na't galing akong meeting. kamusta na sya?" sabi ng nurse

"ok na po sya. pinagpapahinga ko nalang" sagot ko. lumapit ang nurse para tignan kung gaano sya kainit.

"kailangan nyang umuwi. baka lalo syang mabinat at tumagal pa ang recovery nya" sabi ng nurse. agad kinuha ng nurse ang id nya at tinawagan ang guardian nya.. ANG GUARDIAN NYA! ANG MAMA NYA! HINDI AKO PWEDENG MAKITA NG MAMA NYA!

habang nag didial ng telepono ang nurse, nagpaalam na kong bumalik ng classroom buti nama't pumayag sya.

..

Kate's POV

"grabe nag aalala na ko kay Leah" sabi ni Flee

"oo nga eh" sabi naman ni Cyan

"pero kinikilig ako sakanila ni Fafa Daniel" sabi naman ni Breean. TLE nayon kaya kahit saan umupo. nagtataka nga kame bat hindi tumatabi si Leah samen eh

"huy Kate! kanina ka pa walang imik dyan ah!" sabi ni Breean

"huh?" sagot ko

"baka nag aalala sa bff nya.." sabi ni Cyan

"hayaan mo Leah pa ba papatalo?" sabi naman ni Flee

"un lang ba ang dahilan?" tanong ni Breean

"naaning ka nanaman!" sabi ni Cyan

"tama na ng--"

maya maya'y may dumating na nurse sa classroom.

"kukunin lang po ung gamit ni Leah Aellete Roxas.." sabi nung nurse. tumayo ako at kinuha bag ni Leah at iniabot sa nurse

"salamat" sagot ng nurse. saka ako bumalik sa upuan ko

"wow bff na bff ang dating" sabi ni Cyan

maya maya'y dumating na si Daniel at umupo sa upuan nya. sumunod ako at umupo sa tabi nya.. natulala naman ang mga kaibigan ko

"paupo lang ah? ingay nila eh" sabi ko kay Daniel at nagpaparinig sa mga kaibigan ko. tinignan nya lang ako at nagbow na sya ng head sa desk nya. bat ganyan sya! pag kay Leah ang daldal daldal nya!

She had fallen.. (Love? What Love? REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon