Kamusta

197 1 0
                                    

Narito na naman ako.
Nag papaka martyr na pinapako,
Hostage na sinasako,
Bobong nag aantay sa'yo.

Pinanonood kita sa piling ng iba.
Umaasa na may tsansa pa.
Ayoko nang mag taka.
Puwede pa ba?

Alam ko namang hindi na.
Hindi naman tayo itinadhana.
Ayoko nang umasa, sana.
Kaso ikaw lang, saakin ay nauuna.

Kahit ano na mayroon ako,
Kahit kailan, 'di mo naman gusto.
Gusto ko naman nang sumuko,
Ngunit ikaw na ang aking mundo.

Sinusubukan kong umiwas.
Alam ko na ang aking halaga.
Napagtanto na sa wakas.
Dahil sa iyo, nag bukas ang bintana.

Ang dami dami naman ng limitasyon.
Kahit kaunti, wala man lang aksyon.
Ang ating relasyon,
Ay wala namang direksyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga (not) nakakatawang poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon