Mga damdaming hinahawakang tila bang pamasahe sa isang biyahe
Hindi mabitawan, baka hindi marating ang patutunguhan
Pupuwede namang ibigay sa iba, para maka tulong sa pag lakbay nila
Pero ako naman ang maiiwan, mag hihintay? Mag lalakad? Mag aabang? Ewan.Pero aanhin ang pamasaheng ito kung ako lamang ang sasakay mag isa
Sa biyaheng pang tatlong ikot sa EDSA
Sa lakbay ng buhay dapat ka bang isama, o pababain sa nais na destinasyon
Alam kong wala dapat sakin, pero Nasayo ang desisyonKabilang na sa mga wala saakin ay ang mga hanap mo.
Kagandahan, katalinuhan, kabaitan, at pagiging magaling sa kung ano ano man.
Alam kong hindi ako sasapat, at kailan man ay wag mong tatapatan ang hangad
Huwag mong sayangin ang kabuuan ng pagkatao mo sa isang tulad koSa aking pag lalakbay ay mapagtatanto ang tunay na layunin
Habang nakikinig sa neon sunsets at Ben & Ben
Nakadungaw sa bintanang sa kintab ay malasalamin
Tinatanaw ang mga nag dedate sa seven-elevenSa biyahe kong pa south, ikaw ay panorth
Magkatalikod, ang Mission ko'y abort
Mag ingat ka sa pagsakay sa kinabukasan
Ang mga pinto ng kotse ko'y puwedeng pwede mong buksanSa muling pagkikita
Kaibigan?
BINABASA MO ANG
Mga (not) nakakatawang poems
PoetryMga tulang ginawa ko para sa mahal ko (Di talaga siya nakakatawa pramis)