12

22 0 0
                                    

Sa kalagitnaan ng kalungkutan at kasiyahan
Nahanap ko ang init ng yakap ng pareho
Ang saya sa kalungkutan
At kalungkutan saking saya

Sa bawat araw na aking tinitiis
Ako'y umaayos ng paunti unti
Dahil sa pinangarap kong tamis
Akoy nakadarama ng pighati

Ang mga araw na nakatitig lamang sayo
Nag laho bigla ng parang bula
Umiiwas na sa kahit anong representasyon mo
Dahil sa mga damdaming sayo nag mula

Hindi ko hawak ang kahit ano
Masasabi ko pa bang buhay ko ito
Ako'y tila ba naging anino
Nawawala sa bawat liwanag na napaparito

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat maramdaman
Puso ko'y hindi alam kung anong nilalaman
Kung gustuhin pa ay baka maging gahaman
Kaya dumidistansya nalang, walang anuman

Kung tutuusin, hindi naman talaga ako
Ang nakatadhana para kanino
Dahil ang tadhana ay hawak ko
At ang hanap ay hindi sino
Kundi ang sarili ko

Pakasaya ka
Paalam

Mga (not) nakakatawang poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon