Malaya ka na

75 0 0
                                    

Hahayaan ko nalang kayo maging masaya.
Mas masakit naman kung ipaglalaban ko pa.
Kaya ngayon idadaan ko nalang sa tula.
Ito lang naman ang aking kaya.

Kilalanin muna natin ang isa't isa.
Ikaw, aking minahal.
Ako, iyong binalewala.
Siya, nag bigay sayo ng saya.

Simulan natin ang kuwento sa kung bakit ko ito ginagawa.
Ngayon ko palang aaminin sayo, pero mahal kita.
Hindi ko naman 'to gagawin kung hindi diba?
Wala naman sanang masama.

Sarili ko ay hindi ko pinili.
Sadyang ikaw lang talaga ang sanhi.
Dahilan kung bakit ako nanggagalaiti.
Sinasaktan ang aking sarili.

Kasalanan ko ba na ikaw 'tong ginusto.
Sa panandalian, ika'y naging mundo.
Hindi ka, kahit sandali, umalis sa isipan ko.
Dahil sayo lahat ay nagkagulo.

Ngayon ako'y nanonood sa inyo.
Nakasunod sa likod niyo.
Mag iiwan nalang ako ng isang payo.
Gustuhin niyo na sumaya kayo.

Kahit na ako ay wala na sa mundo mo.
Sana sumaya ka sa kung anong sayo.
Ako naman ngayon ay may plano.
Mag mamahal naman ng mas mabuti sayo.

Sana sa dulo nitong lahat,
Ako ay makapagpasalamat.
Dahil sayo nakita ko ang aking kalat.
Ngayon na mag tatapos ang lahat ng aking sulat.

Mga (not) nakakatawang poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon