Mundong tayong dalawa'y magkasama
Ipipikit ang mga mata
Upang makita
Mundong kathang isip lamang
Ngunit aking inaasahan
Nais kang makasama
Hindi pansamantala
Kundi'y sa pagtanda
Sa pag lanta ng katawang lupa
Puso't kaluluwa'y sa'yo lamangPara sa ito'y mga biro lamang
Mga birong sana'y totoo nalang
"Crush kita, pakopya"
Kalokohan, ito'y halata
Ngunit ako'y mag papakatanga
At ibibigay ito sayo
Mga sagot sa mga tanong mo'y hindi mauubos
Ngunit ang mga kilos mo'y walang pa hahantungan
Sa dulo'y wala paring tayo
At ako'y mag isang guguho
BINABASA MO ANG
Mga (not) nakakatawang poems
PoetryMga tulang ginawa ko para sa mahal ko (Di talaga siya nakakatawa pramis)