Selfish

35 0 0
                                    

Gusto Kong maging akin ka.
Halata naman, diba?
Tanong ko sa sarili ko'y bakit kaya?
Ewan ko, bahala na nga.

Siguro gusto kita dahil sa init ng yakap mo.
Ang nahulog na kalooban ko'y ikaw ang sumalo.
Mga saloobin ko, nadali mo, mismo.
Kaya siguro ngayon ikaw na ang aking mundo.

Baka naman dahil sa iyong mga ngiti.
Ni minsa'y hindi nag pakita ng dalamhati.
Walang salita ngunit nag bahagi ng talumpati.
Nagsimula noon sa iyong masayang bati.

O di kaya'y dahil sa iyong pagtrato sakanya.
Siya na nag bibigay ng sigla sayo.
Siya na pinag bibigyan mo ng respeto.
Parang sa kanya, ika'y makukumpleto.
Ngunit heto ako nag aabang, hindi makuntento.

Sabagay, hindi naman ako ka nais nais.
Kaya ngayon ako'y naiinis.
Hindi dahil hindi ka magiging akin.
Kung hindi dahil ito ang aking panalangin.

Mga (not) nakakatawang poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon