Reklamo naman ito ng reklamo habang nagbyabyahe kame.
"Bakit kasi kailangan pang naka blindfold ako?", pagapat na tanong na nito sa akin, napapangiti naman ako dahil halatang di na mapakali ito.
"Kalma ka lang, Babe. Malapit na tayo.", utas ko rito.
"Malapit eh, halos isang oras na tayong nagbyabyahe.", inis na sagot nito.
Hindi ko na lamang to sinagot. Malapit narin naman kami sa hinanda kong supresa rito.
Nagpatuloy lang ako sa pagdrive, hangang sa makarating kame sa venue.
Agad ko ng pinarada ang sasakyan.
"Okay, Babe dahan-dahan,.", alalay ko rito habang bumababa ng sasakyan. Sinenyasan ko naman si Mommy Luz na buksan na ang gate. Nasa garden kasi ang mga bisita para sa birthday suprise nito.
"Nasan ba tayo babe, may balak ka bang magpaka Christian Grey at naka blindfold pa ko.", natawa naman ako sa tinuran nito.
"Just walk with me Babe, you'll enjoy this.", malanding bulong ko dito.
Nang nakahanda na ang lahat ay unti-unti kong tinangal ko na ang pagkakablindfold nito.
"Happy Birthday!"
Kitang kita ang pagkagulat dito. Kumpleto ang buong pamilya ni Xander at ang malalapit na kaklase nito. Tila hindi ito makapaniwala sa nagaganap.
"Happy Birthday Babe.", bati ko rito. Lumapit naman si Mark hawak ang cake na dala ko rito.
"Happy Birthday Tol. Thirty kana pare.", bati nito na halatang inaasar si Xander.
"Make a wish then blow the candle babe.", saad ko rito. Napansin ko naman na wala sa cake ang singsing na nilagay ko duon.
Matapos hipan ni Xander ang kandila ay, hinawakan nito ang kamay ko.
"Wala na kong mahihiling pa.", utas nito. "Alam ko hinahanap mo to.", sabay pakita ng singsing na ginawang pendant nito. Tinangal ko ang kwintas at kinuha ang sing sing. Inilagay ko to sa middle finger nito.
"Bagay sayo.", natutuwang sabi ko rito.
Muli akong hinagkan nito. "Thank you babe, sobrang saya ko ngayon."
"Everything for you. Alam kong mapapasaya kita dahil dito.Dalawin natin sila later.", anyaya ko rito.
Matapos ang hinanda naming supresa para dito ay agad na naming tinungo ang puntod ng magulang nya. Dumaan nadin kame sa flower shop para bumili ng bulaklak. Nagalay rin kame ng munting dasal para sa mga ito.
'Tito and Tita, salamat po kasi nagkaroon kayo ng anak na katulad ni Xander. Gabayan nyo po kaming dalawa'
"Ma, Pa, salamat ha. Kahit maaga nyo akong iniwan kay mommy Luz. Okay naman na ako. Nga pala first birthday ko na nagdala ng babae sa puntod nyo. Si Isabella nga pala, ganda ng fiance ko diva. Pa, proud ka na nyan galing ko pumili.", lintana nito sa puntod ng mga magulang nya. "Dahil, din sa kanya nasa akin na ulit yung titulo ng bahay natin. Wag nyo kami paghihiwalayin ha. Multohin nyo po kame, pag nagloko kame sa isa't isa." , ikinatawa ko naman ang huling sinabe nito.
Gabi narin ng umuwi kaming dalawa. Ang makitang masaya ito, ay lubos ang ligayang dala sa akin. He was everything that I will always wanted. Kahit na ang daming complicated things, na nangyare sa pagitan namin dalawa.
"Thank you babe, ikaw ang pinakamahalagang regalo ni God para sa akin. I would not ask anything from him. But you all alone. I love you.", lintana pa nito bago kame tuluyang nakatulog na dalawa.
------------------
****Salamat po God Bless everyone :*
Happy 500 reads nakakataba ng puso. Hindi naman ako nagsusulat upang magkaroon ng mambabasa, bagkus kundi magkaroon ng pagkaka-abalahan maliban sa pagwowork..
**☺☺☺☺
BINABASA MO ANG
It's Complicated
General Fiction"Love is not COMPLICATED It's the PEOPLE who make things to COMPLICATED" A/N HOPELESS ROMANTIC po si Author kaya ganito.. Pagbigyan niyo na ako ☺☺☺☺
