It's been 3 days, simula ng magusap kaming dalawa with what happen between me and Labanos. I avoided him, his call and text. Pangatlong araw nadin simula ng nagsimula tong magpadala ng mga bulaklak. Nagleave ako for one week at nandito ako ngayon sa isang island ng Palawan. Though iniwan ko ang phone ko, France can still call me. I bought an spare phone.
This is my nine day here without him. Ano na kaya ginagawa non, nagusap na kaya sila ni Labanos sa isiping iyon ay kumirot ang puso ko.
Bagaman paulit-ulit lang ang ginagawa ko dito ay di ako nakakaramdam ng pagsasawa.
I love this place, the calmness of the sea and ofcourse ang ingay na nagmumula sa mga ibon sa himpapawid ang siyang ingay na ineenjoy ko.
"Bella.",tawag sa akin ni Nanay Fe, agad ko naman itong nilingon. "Anak eh, siyam araw na tayo dito hindi ka man lang ba magpapasabi kay Xander." anito na batid sa mukha ang pagaalala, ngumiti lamang ako bilang pagtugon dito.
Naiiling lamang ito sa akin, naupo na din ako dahil alam kong sesermonan ako nito. Limang taon na itong nagbibigay ng serbisyo sa amin panatag ang loob ko rito at parang isang Ina na din ito sa amin, bagaman nasa 48 anyos pa lamang ito.
"Ganyan kami nagkahiwalay ni Arnulfo,mas inuna ko ang galit at selos. Nag-away kameng dalawa ni hindi ko ito pinaniwalaan.", anito ako naman ay tahimik na nakinig lamang. "Hangang sa isang gabi, muli kaming nag-away. ", huminto muna ito at tiningnan ako sa mga mata. "Nag-away kame dahil sa kaibigan nito na laging dumidikit sa kanya. Dahil sa galit ay nanakbo ako, alam ko na malapit na akong masagasaan pero tinulak niya ako at hinayaan niyang siya ang masagasaan.", dagdag pa nito batid ko na nais ng umiyak ni Nanay Fe ngunit matatag ito.
"Nang araw ding iyon nawala ang pinakamamahal ko. Nawala siya dahil sa kagagawan ko. Tinitikis ko siya, dahil sa selos pero hindi ko alam na ako lang ang mahal niya. Hindi ko din siya pinaglaban kahit ako na lang ang dahilan bakit siya patuloy na lumalaban sa mga masamang balita patungkol sa kanya. Huli na ang lahat ng malaman ko ang totoo, pero huli na. Kaya anak wag mong hayaang mawala sayo si Xander, ipaglaban mo siya. Nagsisimula pa lamang kayong dalawa madame pa kayong haharapin. ", utas nito at malungkot na ngumiti bago ako iniwan at pumasok sa bahay.
Naalarma naman ako sa sinabe ni Nanay Fe. Alam ko kung ano ang buhay nito, ngayon ko lamang nalaman ang dahilan ng pagiging old made nito.
Tama si Nanay Fe, pero nagtungo lang naman ako rito upang makapag-isip. Hindi ko naman isusuko si Xander sa Labanos na yon. Ayokong gawin kay Xander ang ginawa ni Jamila sa kanya 6years ago.
Hindi ko siya tatalikuran.
Nanatili ako sa pagmasid ng dagat at sa papalubog na araw.Maya maya ay ang biglang pagbundol ng kaba sa aking dibdib, kasabay ng pagtunog ng aking cellphone.
Bagaman kinakabahan ay agad kong tiningnan kung sino ang maaring tumawag.
+63917******* calling
"Isabella Rose Buenavista",
saad ng baritonong boses sa kabilang linya......
*before I forgot, salamat sa mga patuloy na nagbabasa at magbabasa nito...
Sana din po patuloy din kayo sa pag votes maraming maraming salamat next 3
BINABASA MO ANG
It's Complicated
General Fiction"Love is not COMPLICATED It's the PEOPLE who make things to COMPLICATED" A/N HOPELESS ROMANTIC po si Author kaya ganito.. Pagbigyan niyo na ako ☺☺☺☺
