New Life

8.6K 164 6
                                        

"Our life was composed of many complications that we will encounter. In order to have a great and happy life we must do our best to survive."

Isabella POV

Who would have thought that this will happen? Na parang kailan lang naglalakad lang ako papasok sa school nung 3rd year ako. I remember before in my SocSci subject in my 2nd year in college ang isa sa mga favorite Prof ko na si Sir Adrian pinagawan niya kame ng essay where in we will use one thing to describe our life. I simply choose auto mobile coz I will travel the world na punong puno ng daan. I knew for myself that there will be some wrong turn, I even knew that there's a posibility na mawalan ako ng lakas (gas) pero pwede naman mag recharge. I'm an auto mobile that would travel the world to achieve a life that is happy, contented, wealthy, healthy and to spend the rest of my life to my family.

And right now I knew that I already achieved my goal, may bonus pa simply because I'm married to this guy. Xander na himbing na himbing sa pagtulog sa tabi ko, and few more days I will give birth to our first angel. I was very thankful with what happened in my life, actually I was beyond thankful. Behind those complications I still managed to survived also my family. Tama na nga itong pag eemote ko I think I need to take a rest.

Papahiga na ako ng makaramdam ako ng pananakit ng tyan. "Xander", tapik ko rito.

"Uhmm"

"Xander, sumasakit yung tyan ko.", utas ko rito. Pero hindi ito natinag sa pagkakatulog "ahh.. aray! Xander manganganak na yata ako."hiyaw ko rito dahilan para agad itong bumangon.

"What?'', tarantang tanong nito. "Teka lang babe,", aniya na di alam kung anong uunahin, Naroong kinuha ang mga gamit ko, nagmamadali din itong nagbihis at pagkatapos ay lumapit sa akin upang tingnan ako. "Babe, okay ka lang ba?, nag-aalalang tanong nito. Sa kabila ng nararamdaman ko na pananakit I manage to smile to this guy, I was really happy that he cares for me. Ramdam ko at kitang kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal. I simply nod with him, then suddenly biglang pananakit na naman ng tyan ko ang naramdaman ko.

"Ahh.. Xander, di ko na kaya", agad na akong binuhat nito pababa at tinawag si manang Fe upang isunod ang mga gamit.

"Mang Bert, sa ospital tayo.", aniya sa driver na kaagad namang tumalima. Habang nasa byahe ay abot ang tanong nito kung okay lang ba ako.

Xander POV

"Dude. Kalma ka lang nahihilo na ako sayo. Kakaatras abante mo.",utas sa akin ni Mark, siya pa lamang ang kasama ko dito dahil agad itong nagpunta matapos kong tawagan kanina. Sinong lalaki ang di mapapakali kung alam mong nasa delivery room ang asawa mo na di mo alam kung ano ang ngyayare. Maya maya'y dumating na sila Tatay, kasama si Isaac. Kasunod nitong dumating ay sila Mommy Luz. Isang oras nadin si Isabella sa Delivery Room.

"Sino po si Mr. Santiago?", bungad na tanong ni Doctora sa amin, agad akong lumapit rito.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon