Xander Pov
"Xander ano ba?"
Nakakainis ano bang nagawa ko bat kailangan pa nya kong sigawan. Okay naman sya kanina at ang malala ginigising ko lang naman sya. Sa sobrang inis ko iwan ko nga, pero gentleman parin naman ako dinala ko yung gamit nya.
"Thanks, Pat" dinig kong sabi ni Isabella kay Patrick. Fvck ako dapat yung nag-aayos nun para sa kanya.. Eto namang si Patrick may girlfriend nat lahat, nagpapacute pa sa Isabella ko. Isabella mo??? hindi sya syo... Bulong ng konsensya ko. Ou nga pala wala pala kameng relasyon. Pero kahit na M.U kame for five years. Nakakainis talaga, sa sobrang inis ni hindi ko na namalayan na nagsimula na palang umandar yung motorboat..
"Tol" tawag ni Mark sa akin.
"Bakit?" irritadong tanong ko, isa pa to eh dadagdag pa ng inis ko.
"May karapatan ka namang magselos o magalit eh" kunot noo ko namang pinakikingan yung sinasabe ni Mark "Pero masyado ka kasi mapride. Be a Man dude" dagdag pa nito ni hindi man lang ako nakapagreact sa sinabe ni Mark at agad ng lumipat ng pwesto. Mag-isa tuloy ako dito katabi yung mga dala dala namin at yung si Isabella ayun busy sa pagkuha ng pictures. Ako pa ba ang ma-pride, wala naman ako ginawang mali sya nga tong naninigaw bigla.
Totoo nga yata yung kasabihang "Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising" pero di ko naman sya binibiro ah ginigising ko nga sya eh. Mag babae talaga...
Isabella Pov
I was about to apologize withh Xander, kaso nalapitan na ko ni Patrick at inayos ung Vest ko. Though kaya ko naman na ayusin yon, ayoko lang lumabas na suplada kaya hinayaan ko na lang. And I even thanked him.
Hangang sa nagsimula na kameng magbyahe sa dagat, tatabi na sana ako kay Xander kaso tumabi si Mark. Hayaan ko na nga.. Nawili naman ako sa tanawin, ang ganda talaga ng mga bundok picture dito, picture dun. Then all of a sudden nahagip ng camera ko si Xander, na naka-focus ang atensyon sa tanawin. I take that opportunity para makuhaan sya ng stolen shots..
"Guys, tingin dito bilis" tawag pansin sa amin ni Emerald, pag lingon ko nakaset na ang iphone nya sa Monopod.
"1....2....3 smile" lahat naman kame napangiti sa aming first group picture..
Mahigit tatlong oras din kameng nagbyahe when we finally reached our destination...
Agad ng ibinaba ng mga boys lahat ng gamit..
Matapos maiayos ang lahat ng gamit, boys started to set-up our tents.. Napansin ko lang na puro pang dalawahan lang ang size ng tent and take note masyadong malalayo ang agwat ng bawat tent.,
Since busy ang mga boys, inaya ko na lang magluto ang ilang girls. Mejo ilang pa ko dun sa iba na girls. Si Ally, Danica and Emerald lang ang kilala ko. Over all we're 9 pairs. 8 pairs of couple and 1 pair of M.U to be exact, bulong ko sa sarili ko.
After 15 minutes ng matapos ang pag aasemble ng tent ng mga boys, natapos na din kame magluto. Naghain na ako since ako yung may background sa ganito. Agad ko naman na silang tinawag para makakaen. Masaya namin pinagsaluhan ang hinanda naming mga girls na pananghalian..,
Kanya kanya kaming pahinga, haist until now I was not able to talk to Xander. Iniiwasan ba nya ko, pag kakausapin ko sya kanina its either tatawagin sya ni Mark or ni Matthew. Tapos bigla naman susulpot si Patrick sa harap ko. Or Emerald and Danica will ask me about something. Then ayan umabot na ng alas-tres at di pa kame nakakapag usap. Pasa alas dose nung nasigawan ko sya. Eto na yung pinakamatagal na di kame, nakapag usap..
Kailangan ko gumawa ng paraan.
********
Comment po,,, haha
Nababawasan ang stress ko dahil dito.
thanks..
Nagsasa Cove Zambales...
masyadong memorable yung place nayun that's why yun ang ginamit ko..
BINABASA MO ANG
It's Complicated
Ficção Geral"Love is not COMPLICATED It's the PEOPLE who make things to COMPLICATED" A/N HOPELESS ROMANTIC po si Author kaya ganito.. Pagbigyan niyo na ako ☺☺☺☺