Matapos kong makausap si France, ay lumabas ako ng office to check Althea. To my suprise kalaro nito si Xander.
Nang mapansin ako ng dalawa ay lumapit sakin si Althea at inabutan ako ng 3pcs. pink roses "For you mommy, peace offering ni tito.", anito at tinuro si Xander na halatang pagod ang itsura pero nakangiti pa din.
Linapitan ko naman ito para yakapin. At bigyan ng halik sa pisngi.
Pinagpahinga ko lang ito saglit at agad ng inayos ang mga gamit namin para makauwi. Natuwa naman sila mommy Luz makita si Althea.
"Babe", anito at yinakap ako mula sa likuran. Kasalukuyan akong nagpapahangin sa veranda ng kwarto nito.
"hmmm," sagot ko rito. Ramdam ko ang init ng hininga nito na tumatama sa leeg ko.
"Galit ka ba?", tanong nito na halata ang pagtataka.
"Hindi ako galit babe", sagot ko rito "Wala naman akong dapat ikagalit. May iniisip lang.", paliwanag ko at hinarap ito. "I'm flying to Paris by friday".At ikinawit ang mga braso sa leeg nito.
Halata naman ang pagkagulat dito."Why?"
"We have an urgent matter, and they need me. I'll be there for a month or two.", sagot ko rito."Pahinga na tayo alam ko pagod ka.". At tuluyan ng inaya ito para matulog.
Maaga kaming nagising kinabukasan. We decided na mamasyal kasama ang pamilya nya sa Bataan. Since they have a beach resort there.
"You take care okay!", muling bilin pa nito. "Bawal tumingin sa mga gwapo dun ha"
Natawa naman ako sa tinuran nito "Wala namang gwapo dun, nandito lang sa Pinas yung gwapo para sakin."
"Okay, sayang wala ka dito sa birthday ko.", anito at ramdam na ramdam ko ang pagtatampo.
"I'll make it up to you babe. I promise.", turan ko dito at binigyan ito ng munting halik sa labi. Maya maya ay tinawag na ang flight number ko.
Nagpahinga lamang ako saglit pagdating ko ng Paris. Gusto kong matapos ang lahat bago sumapit ang birthday ni Xander I still have 10 days.
Kinabukasan bagaman naninibago pa ako ay pinilit kong makipagmeet sa mga investors and also sa lahat ng crew and staff ng boutique.
Nakakapagod din ang maghapon namin ni France.
"Bff, di kapa ba gutom?", tanong nito habang naglalakad kaming dalawa.
"Gutom na din, bilisan mo para makapagluto na ko.", saad ko rito. Pagdating sa tapat ng bahay namin sa Paris ay may naabutan kaming envelop.
"Ano naman kaya to?", takang tanong ni France at pinulot ang naturang envelop."Naka address sayo Bella.", at inabot saakin.
Pagkapasok ay agad kong binuklat ang envelop at nagulantang ako sa aking nakita.
"Oh em Gee," gulat na sambit ni France. Inisa isa ko naman ang mga picture ni Xander kasama ang isang babae."Who's the BITCH?", tanong pa nito at binigyan diin ang Bitch.
"Si Jamila.", nanlulumong sagot ko rito. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Seeing Xander with his ex-girlfriend. Pero bakit di ko alam.
"Tahan na Bff.",anito at yinakap ako "Wag mo ng pansinin yan", dagdag pa nito.
"Pero, kung wala lang to bakit kailangan pang ipadala sakin. Come to think of it wala ako sa Pinas today. I think it is a serious matter.", giit ko pa rito.
"May tiwala ka naman kay Xander diva.?", tanong pa nito.
"Ou,pero bakit di ko alam to?", turo ko pa sa picture.
"Bella, why not ask Xander, tingnan mo may date, it was taken last week lang.", nagulat naman ako sa nakitang petsa ng larawan. Ito yung panahon na nasa convention si Xander, at ito yung araw na hindi nya ako natawagan. Mas lalo akong naiyak dahil dito.
"Bella, mahal ka ni Xander baka nalimot lang nyang sabihen sayo.", pagpapakalma pa ni France sa akin. Pilit kong kinalma ang sarili ko may tiwala ako kay Xander and sana nga may dahilan ito.
After a week noon lang ako nagkaron ng time para matawagan ito. Ginugol ko ang oras ko para matapos ang mga dapat kong gawin.
"Hi Babe." , bati nito. Mukhang masaya ito, kahit wala ako. Dahil ba kay Jamila, pilit kong winawaksi sa isipan ko ang ideyang yon. "Huy Babe, still there!", gulat na napabalik ako ng tingin sa monitor ng laptop.
"Sorry, pagod lang.", pagdadahilan ko dito.
"Ganon ba sige pahinga kana muna. I love you.", anito at naglog out na. 'Bakit Xander?' bulong ko sa sarili ko.
Agad ko ng inayos ang mga gamit ko na dadalhin pabalik ng Pilipinas. Kahit hindi pa settled ang last part ng mga urgent matters ko dito I decided to go back at the Philippines.
******Salamat po
Happy 400 reads.
Vote and share..
Like nyo din po yung facebook page ko LadyNezumi21 ...
Thanks and God Bless everyone..
BINABASA MO ANG
It's Complicated
General Fiction"Love is not COMPLICATED It's the PEOPLE who make things to COMPLICATED" A/N HOPELESS ROMANTIC po si Author kaya ganito.. Pagbigyan niyo na ako ☺☺☺☺
