Part XXII Explanation and Trust

7K 124 0
                                    

Nagulat man sila Tatay sa biglaang paguwi ko at ang katotohanang umiiyak ako ay hinayaan parin nila akong mag-isa sa kwarto ko. Dala narin siguro ng jet lag at kakaiyak ay nakatulog ako.

Naalimpungatan ako ng marinig ang pagring ng cellphone ko.

Babe Calling.....

I just canceled his call. Alas nuebe narin pala ng gabi. Nakaramdam narin ako ng gutom, pero bago ako bumaba ay tiningnan kong muli ang iPhone ko.

120 missed call at 209 text messages lahat ay mula sa binata. Tinatamad na bumaba ako ng kusina at naghanda ng makakaen. Matapos kumaen ay nagbabad ako sa bathtub, matapos makaligo ay naghanda na ulit akong matulog. Alam ko naman na nagaalala si Xander kung nasaan ako. Masakit pero kailangan ko din syang tiisin.

Mahinang pagkatok ang gumising sa akin kinabukasan.

"Anak, bumangon kana.Nakahain na ng almusal.", tawag ni Nay Fe.

"Sige po Nay, sunod na po ako.", sagot ko rito at naghilamos muna bago tuluyang bumaba.

Pagbaba ko ng dining area ay nagulat ako, ng datnan ko doon si Xander. Seryoso ang itsura ni Tatay, ganon rin si Isaac. Mukhang patapos na ang dalawa kaya minabute ko na, sabayan na ang mga ito sa pag'aalmusal.

Nasa kalagitnaan ako ng pag'aalmusal ng magsalita si Tatay. "Mag-usap kayong dalawa. Paganahin ang utak wag puro puso."

Nagulat man sa tinuran nito ay pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain. Matapos kumaen ay nagpaalam na si Tatay at Isaac upang pumasok sa office.

Ng makaalis ang dalawa ay nagtungo na ako sa aking kwarto. Di ko pa naisasara ng biglang makapasok si Xander. Wala akong choice kaya naugo na lang ako sa kama. Ikinagulat ko naman ang pagluhod nito.

"Babe, please let me explain.", umpisa nito. "Alam ko galit ka, pero wala akong ginagawang masama kasama si Jam."

Mas nainis naman ako sa paraan ng pagtawag nito kay Jamila.

"Kailan pa kayo nagkita?", tanong ko dito.

"Last convention sa Palawan. I was suprised na invited pala sya.", paliwanag nito.

"Na sa sobrang suprised mo nakalimutan mo ng tawagan ako?", muling tanong ko dito.

"Babe, hindi sa ganon. Naiwan ko talaga yung phone ko sa site. Please Babe. I swear to God.",mukhang kailangan kong paniwalaan ito.Pero kailangan ko paring ipakita rito ang mga pictures.

"Tumayo kana jan, wag ka lumuhod.", utos ko rito na agad namang tumalima. Inabot ko ang bag ko at inilabas ang mga pictures. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha nito.

"San galing to, pinapasundan mo ba ko?", galit na tanong nito.

"Nope, I was in Paris when I received those pictures. ", kibit-balikat kong sagot dito. "I trust you enough, so why would I be bothered and spend money para pamanmanan ka.", patuyang sabi ko rito.

"Babe, wala lang naman to. This is the time na nagkausap kaming dalawa. Nag-apologize lang sya dahil sa pang-iiwan nya. Yung inabutan mo sa office. She's actually there kasi gusto nyang magorganize ng party for my birthday.But I refused, coz I'm planning to go to Paris to celebrate my birthday with you. Pinakiusapan ko pa nga si Nate, if I can use his private plane para mas mapadali ako.", sa pinaliwanag nito ay agad na nawala ang inis ko. At ang katotohanan na ang mapride na si Xander ko ay nagpakumbaba para lang maspend ang birthday nya kasama ko nakakataba ng puso. Agad ko tong niyakap.

"Sorry, kasi nagselos lang naman ako eh.", parang bata na maktol ko rito.

Inakap naman ako nito ng mahigpit. "I know, may karapatan ka naman. Pero babe please trust me okay. Ikaw ang babaeng pagaalayan ko ng pagmamahal.Wag kang maniniwala basta basta okay. Nasayo yung susi ng puso ko. ", lintana pa nito.

" I know babe.", sagot ko rito at binigyan ito ng mabilis na halik.

"Happy Birthday Babe"

"Thank you.", sagot nito at hinalikan ako sa noo. "Anyway, gusto ni Jam na makausap ka.Alam kasi non na nagselos ka.,".

"Okay, pero bukas na lang for now mag celebrate muna tayo.", utas ko rito. "Maligo lang ako, then alis na tayo okay."

"Okay, Babe wala bang birthday.hmmm alam muna.", habol pa nito.

"Pervert", sagot ko rito at tuluyan ng pumasok sa bathroom.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon