RITCHEN'S POV"What's your name?" tanong ng isang babaeng nasa harap ko ngayon.
Kasalukuyan akong nakapila kasabay ng mga tao dito sa labas ng isang kompanya ng mga damit, ang Moon's Garments, isa itong sikat na brand ng damit sa Pilipinas. Sinabihan kasi ako ni Gelo, kaibigan ko, na pwede daw akong mag-apply dito.
"Ritchen Lopez po." magalang kong sagot sa babaeng nagngangalang 'Henessey' na nasa nameplate nito.
Isa rin siya marahil sa mga staff ng kompanya na ito.
"Akin na po yung mga requirements niyo para mai- submit na po sa loob para sa interview niyo." mahinahon nitong utos sa akin.
Napanganga nalang ako dahil sa sinabi niya. Requirements? Wala ako nun..Shunga ka talaga Ritchen. Mag-aaply ka. Jusko..
"Aaahh.. Miss ano ba ang mga requirements?" ang shunga kong tanong.
Napabuga ng makakas na hininga ang babae bago sinagot ang tanong ko.
"Hindi niyo po ba nakita sa nakapaskil sa labas na kailangan ng resume niyo po para makapag apply?" tanong niyang sagot sa tanong ko.
"Aahh-- hindi eh.. nagmamadali po kasi ako." Kamot ulo kong pagsagot sa kanya.
"Kung ganon po ay balikan niyo muna ang naiwan niyong requirements tapos bumalik nalang po kayo dito mamaya para sa interview niyo, bago mag lunch." suhestiyon ng babae sa akin at muli na naman akong nagkamot ng ulo ko kasi wala naman talaga akong requirements na naiwan kasi wala ako nun.
Kailangan din pala ng resume para makapag-apply eh hindi ako nakapagtapos.
"Pasensiya na po. Wala po kasi akong requirements kasi nga po hindi po ako nakapagtapos ng pag aaral." shungashungahan kong sagot.
Natawa naman ng mahina ang babae sa sagot ko. Marahil ay pinagtatawanan niya ako dahil sa pag-apply ko na walang dalang requirements.
"Aware naman po siguro kayo sir na hindi namin tinatanggap ang mga mag-aapply na walang requirements diba sir? Isa po kaming kompanya dito sir at hindi po kami nangongontrata lang." mahinahon at nakangiti na paglilinaw ng babae sa akin pero alam kong may halong pangiinsulto na iyon.
Pinigilan ko ang sagutin ng marahas ang babae dahil ayaw ko nang eskanadalo. Pwede naman niya akong paalisin ng pormal hindi yung mang iinsulto pa siya.
"Sige po pasensya na sa istorbo." nakayuko kong pagpapaalam sa babae dahil sa hiya.
Mabibigat ang mga hakbang ko habang lumalabas sa building ng kompanyang ito. Nakayuko parin ako at sa mga oras na ito ay parang babagsak na naman ang mga luha ko. Muli ay naglakas loob akong mag apply pero bigo ako. Napahiya na naman ako. Oo nga't nasabi kong mautak ako pero sa mga diskarte lamang iyon. Ang totoo niyan ay hindi ako ganoon ka talino sa academics. Wala rin siguro akong common sense.
Nakakahiya ka Rithcen!
Muli pa akong nagpatuloy sa paglakad ko habang nagpupunas ng aking mga luha. Ngunit maya maya lamang ay may may nabangga akong isang bagay dahilan para iangat ko ang ulo ko. Isang tao pala ang nabangga ko at nakasuot ito ng corporate attire. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin.
"Sorry" sambit ko nalang mula sa likod niya.
Unti-unti rin niya akong nilingon at nang magtagpo ang mga mata namin ay halos hilingin ko na sana kainin na ako ng lupa. Hindi ako makapaniwala na sa laki ng Maynila ay talagang mako-krus pa ang mga landas namin ng lalaking ito. Agad kong tinakpan ang mukha ko para hindi niya ako makilala.
"Sorry ulit." muli kong paghingi ng tawad sa kanya at lumakad sana para lampasan siya nang matigilan ako dahil sa pagsasalita niya.
"Sandali!" madiin nitog tawag sa akin at hinawakan ako sa braso ng napakahigpit.

BINABASA MO ANG
Behind Identities
Ficção GeralAng istoryang ito ay tungkol sa pag- iibigan ng dalawang lalaki. BxB . Ito ay isang fiction lamang tungkol sa Extra Judicial Killings. Si Denver na isang CEO ng clothing company. Si Ritchen na isang pickpocket. Si Lance na naghihiganti. Si Aidonelle...