RITCHEN'S POV"Ito na talaga!" mahinang sambit ko habang tinitingala ang nakakalulang taas ng building ng Moon's Garments.
Nakarating na ako sa kompanyang pagtatrabahuhan ko at hindi ko alam kung paano sisimulan ang araw ko. Eh hindi ko nga alam ang mga gagawin ko bilang assistant. Wala pa akong experience at training.
Muli akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil nini-nerbiyos ako. Wala akong ideya kung paano pakisamahan ang mga empleyado dito at kung paano ko rin sila pakisamahan. Baka pagtawanan lang nila ako dahil sa kamangmangan ko at sa ka walang malay ko sa trabaho na naghihintay sa akin sa loob.
Kaharap ang isang hakbang ng hagdan na nasa aking paanan ay naghahanda na akong pumasok. Inihakbang ko ang paa ko suot ang napakatamis na ngiti na ibubungad ko sa mga empleyado na naririto.
Taas-noo kong nilalakad ang hagdan hanggang sa marating ko ang pintuan ng kompanyang ito. Pinagbuksan ako nang guard at binati.
"Goodmorning Sir!" bati niya sa akin at sumaludo pa.
Pakiramdam ko tuloy para na talaga akong professional. At dahil ayaw kong magmukhang bastos ay ngumiti din ako at bumati sa kanya.
"Goodmorning." pabalik kong bati.
Nagpatuloy pa ako sa paglalakad nang hinarang ako ng isang babae.
"Op! saan ang diretso mo?" mataray niyang sabi.
Napaisip ako ng konti.. saan nga ba ako pupunta?
"Aah-aahh.." hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
Tumikhim ang babae ,na nagngangalang Henessey, at nagsalita.
"Come on.. hinihintay ka na ng boss mo!" mariin niyang sabi at tinalikuran ako.
Bakit ba ang init ng ulo ng babaeng ito sa akin?? Sinundan ko na lamang siya sa kanyang paglalakad. Tinungo namin ang elevator at sumakay roon, tahimik lamang kaming dalawa hanggang makalabas.
Bumaba kami ng elevator sa kaparehong floor na pinuntahan namin ni Denver pero hindi namin tinungo ang silid na nasa dulo nitong pasilyo. Sa halip ay lumiko kami sa kanan at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng babaeng ito.
"Wait lang! saan tayo pupunta?" tanong ko pero patuloy parin ako sa pagsunod sa kanya.
Tumigil siya at hinarap ako.
"Sabi ko diba, sa boss mo... ayaw mo ba?" pagsusungit niya muli sa akin.
"P-pero. diba.. si Denver yung magiging boss ko? Diba dapat doon tayo?" nauutal kong pagtatanong at itinuro ang daanan papuntang office ni Denver.
Ngumisi lang si Henessey sa akin at hinawakan ako sa balikat.
"Asa ka pa sa lalaking yon.. wala siyang pinahihintulutang makapasok sa office niya maliban sa kanya.." wika niya habang hinahaplos ang balikat ko.
Huh? hindi ko talaga maintindihan.. akala ko siya ang boss ko. Bakit nagbago ang isip niya??
"So.. ibig sabihin... " hindi ko na naituloy pa dahil dinugtungan na ito ni Henessey.
"Ibig sabihin iba yung boss mo.. dont worry mas mabait at mas gwapo ang magiging boss mo. Mag ingat ka na lang pala sa kasama niya sa office niya dahil isang leon ang makakasama mo!" pagbibigay impormasyon ni Henessey.
Napalunok nalang ako dahil sa narinig kong makakasama ko ang isang leon sa office ng boss ko.. alaga niya kaya iyon?? Naku! mukhang aatakihin ako sa puso sa bawat pagpasok ko sa office niya.
"Let's go!" muling yaya ni Henessey at bumalik sa paglakakad.
Tumigil kami sa paglalakad nang marating namin ang isang pintuan. Glass ang mga dingding nito pero translucent kaya hindi makikita ang nasa loob.

BINABASA MO ANG
Behind Identities
General FictionAng istoryang ito ay tungkol sa pag- iibigan ng dalawang lalaki. BxB . Ito ay isang fiction lamang tungkol sa Extra Judicial Killings. Si Denver na isang CEO ng clothing company. Si Ritchen na isang pickpocket. Si Lance na naghihiganti. Si Aidonelle...