CHAPTER THREE

15 0 0
                                    


RITCHEN'S POV

"Mga anak hali na kayo at kakain na!" dinig kong pagyaya ni Mama muli sa kusina.

"Oo Ma! sandali lang po." pasigaw ko ring sagot.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakadapa sa aking kama. Nasa magkabilang tabi ko ang kambal kong kapatid na nakadapa narin sa kama. Sina Phinyel at si Philshen.

Si Phinyel ang unang isinilang at si Philshen naman ang sunod. Sa tuwing maririnig ko ang pangalan nilang dalawa ay palagi kong naaalala ang iniinom ni Papa na 'San Miguel Pale Pilsen'.

Syempre dahil sa kakulitan ko noon ay ako ang nagpangalan sa dalawang kapatid ko. Pareho silang lalaki at pareho ang kanilang itsura.
Wala namang naging reklamo doon si Papa at si Mama dahil nagustuhan din nila ang pangalan ng kambal.
Lumaking mga matatalino ang dalawang ito. Katunayan ay may scholarship sila at nagpapasalamat ako doon dahil nabawasan ang aming babayarin. Mga pogi din ang mga kapatid ko mana sa Kuya nila.

Pogi ka nga Ritchen, pero may parte naman sa kalooban mo kung saan ay pogi din ang hanap.

Oo, minsan ay natatagpuan ko nalang ang sarili ko na nagkakagusto sa kapwa ko lalaki. Noong una ay hindi ko ito matanggap pero nang mag 4th year highschool ako ay nagkaroon ako ng isang boyfriend. Nag break din kami matapos ang 3 buwan. Nasaktan ako nang sobra dahil akala ko ay mahal niya talaga ako pero pinagpustahan lang pala nila ang relasyon namin ng mga barkada niya.

Simula that time ay unti unti ko na rin natanggap ang kasarian ko. Bisexual ika ng iba. At dahil sa espesyal ang kasarian ko ay natuto pa akong mahalin lalo ang sarili ko at huwag magpaloko sa ibang tao.

Nasa harap ko ang mga dukomentong ipapasa ko bukas kay Denver para sa trabaho ko.

Nang makapag-usap kami tungkol sa pagkuha ko ng wallet niya ay naka - isip ako ng isang ideya para makapasok sa kompanyang ito.

"May isa akong kondisyon!" madiin kong sabi.

"Anything." nakangiti niyang sagot.

Madaya na kung madaya basta gagamitin ko ang oportunidad na ito para sa isang malaking bagay. Para sa sarili ko at para sa pamilya ko.

Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy.

"Gusto kong ipasok mo ako sa kompanayang ito. Gusto ko magtrabaho dito kapalit ng wallet mo!" matapang kong pagsasalita.

Nabigla marahil siya sa sinabi ko kaya nabitiwan niya ang kamay kong hawak niya. Bahagya niya rin naibuka ang kanyang bibig dahil sa pagkabigla.

"Ayaw mo? sige, manigas ka diyan. Hindi mo makukuha ang wallet mo!"
mariin kong sabi.

Akmang lalampasan ko na siya nang harangang niya ng kamay niya ang daanan ko.

Tiningnan ko siya nang may tapang sa mata ko.

"Sige pumapayag ako! Basta maibalik mo lang ang wallet ko." wika ni Denver na ikinatuwa ko naman.

Unti unti ay gumalaw ang labi ko hanggang sa nakangisi na ako.

"Yun naman pala eh, ang dali mong kausap. Tara na kunin na natin ang wallet mo." pagyaya ko kay Denver.

Masama ang inasal ko sa mga oras na iyon dahil ginawa kong oportunidad ang kahinaan ng isang tao para sa gusto ko. Pero anong magagawa ko? Kailangan ko nang pera para mabuhay kaming mag pamilya.

"Kuya, siblings daw! Ilagay mo kami ni Shen." masiglang pagsasalita ni Phinyel at tinuturo ang isang parte ng papel na nasa harap namin.

"Oo nga Kuya, ipagmalaki mo naman kami." dagdag pa ni Philshen.

Behind IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon