RITCHEN'S POV
"Pare nakikita mo ba 'yang lalaking iyan?" tanong ng kasama kong lalaki na isang miyembro ng gang.
Itinuro rin niya ang kinalalagyan ng isang lalaki na mukhang mayaman habang tumitingin ito nang mga libro sa isang bookstore.
"Oo bakit?" tanong ko naman pabalik.
"Siya ang next target mo." maagap nitong sagot.
Bigla akong nawalan ng gana sa sinabing iyon ng lalaking kasama ko. Ito ang gawain namin. Ang magnakaw. Isa kaming grupo ng mga lalaki na nagnanakaw sa mga mall, sa shop, sumasalisi, budol- budol,at palit-pera. Halos tatlong taon ko na itong ginagawa simula noong ma-diagnose si Mama na may cancer. Dahil sa kakulangan sa pera ay kumagat na ako sa set up na ito. Minsan na nga akong nakulong, mga isang taon na rin ang nakakaraan, dahil nahuli akong nagnakaw sa isang convenience store. Gutom kasi ako noon kaya nagawa ko iyon. Isang taon akong namalagi sa kulungan bago nakalabas at heto ako ngayon, balik ako sa ganitong trabaho. Matagal ko nang naisip at napagtanto na mali itong ginagawa ko pero sa tuwing naaalala ko si Mama ay isinasawalang bahala ko nalang ang konsensya ko. Gusto ko rin magbago gusto ko rin ng marangal na trabaho pero hindi talaga ako napapalad sa mga pinag-applyan ko.
"Okay pero mas malaki ang porsyento ko sa mga makukuha natin ha." madiin kong pangongondisyon.
Napangisi naman siya at hinawakan ako sa balikat at minasahe niya pa ito.
"Kalma lang Ritchen, alam kong mas kailangan mo yang pera kaya... sige sayo na ang mas malaking porsyento. Ipangyoyosi ko lang naman iyang pera." pagpayag niya sa aking kondisyon.
"Salamat" wika ko sa kanya.
"Sige na lumakad ka na. Galingan mo ha!" utos nito sa akin.
Walang alinlangan ay agad kong sinunod ang sinabi niya. Tumayo ako mula sa upuan na inuupuan namin at agad na pumasok sa bookstore.
Nandito parin ang lalaki at abala sa pagpili ng mga libro. Nilapitan ko siya nang dahan dahan at agad na pumwesto sa likuran bahagi niya kung nasaan ang kanyang wallet. Makakatulong din sa gagawin ko ang pagkamasikip ng lugar na ito dahil sa mga tao. Nakita ko kasing sale dito at may mga bagong release na libro.
Nagpalinga- linga ako sa paligid upang makakuha ng tiyempo sa pag hugot ko ng wallet niyang bahagyang nakalabas sa kanyang likurang bulsa. Nang masiguro kong walang nakatingin ay agad kong tinaas ang paningin ko upang hanapin ang mga CCTV cameras dito sa store.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Pagbilang ko sa mga CCTV cameras na nagkalat sa kisame ng store na ito. Siyempre tinakpan ko ang mukha ko habang nakatingala, mahirap nang mamukhaan pa ako. Wala akong takip o kahit anong suot para itago ang mukha ko, ang tanging disguise ko lang ay ang mismong pagiging ordinaryong mamimili.
Pinakiramdaman ko ang kilos ng lalaki. Kumuha ulit ito ng bagong libro matapos ilagay sa basket niya ang librong kanina niya lamang tiningnan.
Ipinwesto ko na ang aking sarili upang magdikit kaming dalawa. Kasabay ng pagdikit ng baywang ko sa likod niya ay ipinwesto ko ang kamay ko para hawakan ang kanayang wallet. Kunwari ay may inaabot akong libro sa mataas na bahagi ng shelf na yun.
Pagbaba na ang katawan ko mula sa pagkakaangat ng mga sakong ng mga paa ko ay ang mabilis kong pagbunot sa wallet niyang iyon.
Tagumpay ako! Walang naramdaman ang lalaking ninakawan ko.
Pero maya maya lamang ay....
"Ibalik mo diyan ang wallet ko kung ayaw mong ipahuli kita sa guard." matigas nitong pagsasalita at alam kong para iyon sa akin.

BINABASA MO ANG
Behind Identities
General FictionAng istoryang ito ay tungkol sa pag- iibigan ng dalawang lalaki. BxB . Ito ay isang fiction lamang tungkol sa Extra Judicial Killings. Si Denver na isang CEO ng clothing company. Si Ritchen na isang pickpocket. Si Lance na naghihiganti. Si Aidonelle...