CHAPTER SIX

10 0 0
                                    


RITCHEN'S POV

"Nakakahiya!.. aarrgghh!" tangi kong nasabi habang sinasabunutan ang sarili ko sabay kalampag sa mesang nasa gilid ng kama ko dahil sa kahihiyan. Kanina ko pa ginagawa ito dahil hindi talaga ako maka move on.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko pagkarating ko nang bahay matapos akong ihatid ni Ma'am Kitannah. Gabi na rin dahil natagalan nga si Ma'am Kitannah bago nakabalik.

"Ano ba naman yan Kuya!? Ang likot likot mo naman! Nagrereview kami ni Shen oh!" reklamo ni Phin dahil sa mga ingay na ginagawa ko.

Naistorbo ko yata sila.

"Ano ba kasi ang problema?? May quiz kami bukas.. I can't concentrate." may pagkamaarteng wika ni Shen. May nahahalata na ako sa kapatid kong ito eh, parang mababali narin siya.

Sa mga nagiging kilos niya kasi ay nakakahalata na ako.

At dahil ayaw kong maging katulad niya ako ay sinaway ko siya. Tatanggapin ko naman siya pero mas gusto ko na maging normal na tao lang si Shen.

"Hoy Philshen! Ayusin mo iyang pananalita mo ha!." pagsaway ko sa kanyang pinandidilatan siya at tinuturo pero hindi naman ako sinsero doon.

Nakita ko ang pagkagulat sa kanya. Maya maya pa ay bumalikwas siya sa pagkakadapa niya sa kama at sinigawan ako.

"Bakit anong mali sa pagsasalita ko!?" mataray nitong tanong.

"Wala lang." walang emosiyon kong sagot. "Matanong lang kita Shen.." permiso ko.

"Ano?" maangas nitong sagot.

Inihanda ko na ang sarili ko at lumapit sa pinto dahil sa oras na itanong ko ito ay lalayasan ko narin sila.

Umarte muna ako na parang seryoso ang mukha ko. Natatawa ako sa likod ng isip ko dahil sumeryoso narin ang ekspresyon nila na para bang naghihintay sa seryoso kong tanong.

"Bakla ka ba?" pabigla kong tanong.

Nanalaki ang mata ni Shen at naikagat niya ang ibabang labi niya dahil sa pagtitimpi.

Mabilis lamang ang pangyayari, hinablot niya ang notebook niya mula kay Phin at ibinato sa akin. At dahil maagap ako ay mabilis akong tumakbo at tanging ang pinto lang ang tinamaan nito.

"Ikaw! Bakla ka Kuya.. BAKLAA!!" malakas niyang sigaw na naririnig ko kahit nandito na ako sa labas ng bahay.

Natatawa nalang ako dahil sa kalokohan kong ginawa pero agad ring napawi iyon dahil naalala ko na naman ang kahihiyang nagawa ko.

Umupo muna ako sa upuan sa labas ng bahay at nanghina dahil sa nagawa ko. Nakakahiya!

Muli kong inalala ang mga nangyari at sa tuwing sasagi sa isipan ko ang nangyari ay nanginginig sa hiya ang katawan ko.

"That's great... bihisan mo lang siya at bantayan kasi malikot yan pag lasing." bilin ni Maam.

Tama ba ang narinig ko?. Bibihisan ko si Sir?? At babantayan? Eh paano kung matagalan si Maam?? So maghihintay nanaman ako?

"Pero Maam. Nakakahiya kay Sir." pagkontra ko sa kanya.

"Hayaan mo na tulog naman yan eh.. pag lumikot itulak mo ulit sa kama. Papauwiin ko nalang si Aidonelle para mabantayan siya." pagpapaliwanag ni Maam na ipinanghina ko.

So it means makukulong na naman ako kasama si Sir? At ang malala pa ay.. bibihisan ko pa siya! Hindi ko nga ginagawa to kay Enrico kung lasing siya eh. Tapos sa hindi ko pa lubusang kilala ko gagawin to?

Huminga ako para bumwelo sana sa idadahilan ko pero naunahan ako ni Maam.

"No more complains Ritchen.. this is an order." kagalang galang niyang wika. Ginamit pa niya ang pwesto biya para mapasunod ako.

Behind IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon