Si Denver Jensen Rivera po ang nasa media.DENVER'S POV
Hanggang kailan ko itatanong sa sarili ko kung bakit ko ginagawa ito?
Hanggang saan pa ang kaya kong gawin dahil sa pangungulila ko sa kanya?
Gaano na ba ako katagal na namumuhay nang miserable dahil sa pangungulila?
Hindi ko alam.
Gaano na ba karaming luha ang naipalabas ko dahil sa labis na lungkot? Gaano na ba karaming alak ang naubos ko sa tuwing gusto ko ulit kalimutan ang mga alaala naming binuo na magkasama. Lahat nang iyon ay palaging bumabalik sa aking isipan tuwing masaya ako.
Sa bawat pagngiti ko, sa bawat pag-iyak ay naaalala ko siya.
Sa lahat ng kilos ko, sa lahat ng bagay na nasa paligid ko .. naaalala ko siya.
Sa tingin ko ay naibuhos ko na ang lahat para sa kanya, lahat na meron ako ay sa kanya ko na ibinigay. Pati ang buhay ko ay kaya kong isugal para sa pagmamahal ko sa kanya.
Sa lahat ng oras ay hindi niya nililisan ang isip ko.
Tuluyan na talaga siyang naging parte ng buhay ko at hindi ko na matatawag ang sarili kong si 'Denver Jensen Rivera' kung wala siya. Lahat ng emosyon ko siya ang dahilan, lahat ng bagay ma nagagawa ko siya ang dahilan.
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay naikabit ko na rin siya sa pagkatao ko. Yun ang pag-ibig ko sa isang 'Constance Salazar'.
Bata pa lang kami alam na naming iniibig na namin ang isa't isa. Pagtuntong ng ikaapat na taon sa highschool ay naging magkasintahan kami. Minahal ko siya, minahal niya ako, nagmahalan kaming dalawa pero bakit kami humantong sa ganito.
Masaya naman kaming nagsama sa loob nang 6 na taon. Walang namagitan sa amin kundi puro pagmamahalan lang. Inibig ko siya dahil sa mga magagandang katangian niya.
Si Constance ay anak ng isang sikat na manunulat sa Pilipinas, kaya maging siya ay nahilig narin sa pagsusulat. Palagi siyang nagsusulat ng mga tula at mga kwento, walang ibang laman iyon kundi ang pagmamahal niya sa akin at ako lamang ang maaaring maging inspirasyon nun.
Sa lahat ng mga napagdaanan niya, sa pagkabigo at pagkapanalo sa patimpalak ay nasaksihan ko lahat ng iyon. Kung paano siya naghinagpis nang pagdaanan niya ang mga pananakit at mga masasakit na salitang galing mismo sa kanyang ama noong ilahad niya ang tunay niyang pagkatao. Ang tunay niyang pagkataong- umibig sa kapwa niya lalaki na walang iba kundi ako. Lahat ginawa niya para lang tanggapin siya ng kanyang ama, humantong pa nga kami sa isang sitwasyon kung saan nanganib ang pagsasama namin nang tangkain niyang makipaghiwalay sa akin. Halos magunaw ang mundo ko sa oras na iyon kaya lahat ginawa ko para lang hindi yun matuloy.
Nagyong wala na talaga siya ay sobra sobrang sakit pa ang nararanasan ko ngayon. Tanging ang kauna-unhang libro lamang ni Constance na 'Rainbows Curve Upward' ang tanging alaala ko sa kanya kasama ang tatlong vases sa aking office. Ang librong iyon ang naging hit noong nasa 2nd year college kami, sa impluwensya narin ng kanyang ama.
Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ko pa pinahahalagahan ang mga alaala niyang iyon kung gusto ko siyang kalimutan. Ako rin mismo ang nagtutulak sa sarili kong huwag kalimutan si Constance kahit gustong gusto ko.
Hindi ko siya kakalimutan hanggang sa oras na magkita kami muli. Simula nang mawala siya hindi na ako tumingin sa iba. Siya lang talaga ang laman ng puso ko, noon hanggang sa mga oras na ito.
Kahit nasisira ko na ang buhay ko dahil sa pagkamiserable ay hindi ko alantana iyon, matagal naring namang sira ang buhay ko noong nawala ang isang malaking parte nito. Nang mawala si Constance.

BINABASA MO ANG
Behind Identities
General FictionAng istoryang ito ay tungkol sa pag- iibigan ng dalawang lalaki. BxB . Ito ay isang fiction lamang tungkol sa Extra Judicial Killings. Si Denver na isang CEO ng clothing company. Si Ritchen na isang pickpocket. Si Lance na naghihiganti. Si Aidonelle...