RITCHEN'S POV
"Sorry? Your sorry won't bring someone back to life!" bulyaw ni Sir Lance sa akin.
Huh?? Hindi ko maintindihan.. bakit sino ba ang namatay? May hindi ba ako nalalaman?? Anong nangyari simula nang kunin ko ang card na iyon? Bakit may kailangang may magbuwis ng buhay dahil sa card lamang? Inangat ko ang tingin ko para makita ko sila.
Pagkarinig naming lahat sa sinabi ni Sir Lance ay nanigas ang mga kaibigan niya. Lumuwag din ang pagkakayakap ni Sir Aid kay Sir Lance dahil maging siya ay nabato dahil sa mga namutawi sa bibig ni Sir Lance.
Nagdududa na talaga ako sa mga taong ito eh.. parang may mali.
Parang hindi ko sila kilala. Alam ko ang pangalan nila at may alam ako sa mga personalities nila pero may kulang eh.. Hindi ako makampante dahil pakiramdam ko ay may hindi sila inilalabas."A-anong ibig mong s-sabihin Sir Lance?" naguguluhan kong tanong at sa mga oras na ito ay tuluyan na talagang kumawala ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Maging si Sir Lance ay hindi maipaliwanag ang reaksiyon niya.. para bang ngayon niya lang napagtanto na hindi niya dapat sinabi iyon. Naging balisa siya at lumikot ang mga mata. Naguguluhan na talaga ako.. ano ba talaga ang nangyayari. Kung sana hindi ko nabiktima si Sir Denver.. hindi na sana ako may kinasangkutang problema.
Pakiramdam ko ngayon ay ako ang may kasalanan sa pagkamatay ng taong tinutukoy ni Sir Lance.
Dahil sa hindi parin nakasagot si Sir ay kinuha ko nang oportunidad iyon para magtanong ulit.
"May dapat ba akong malaman?? Ano ba ang dahilan nang pagpapatawag niyo sa akin?? Para ba parusahan ako?? .. kung ganon, sana pinakulong niyo nalang ako!" bulyaw ko sa kanila habang lumuluha.
Gulong gulo ba talaga ako.. hindi ko na talaga maintindihan.
Hindi parin nakakasagot ang mga boss ko. Ganoon parin ang mga mukha nila, hindi parin nagbago.. tahimik parin sila at hindi maipaliwanag ang reaksiyon.
"Please! Sabihin niyo na.. hangga't maaga pa! Paki-usap gulong gulo na ako!" pigil sa sigaw kong paki-usap sa kanila.
Habang nakikiusap ako ay patuloy parin ang pagtulo nang luha ko. Iba ibang emosyon ang nararamdaman ko.. Pagtataka.. pagsisisi.. at takot.
Takot ako sa maaaring malaman ko dahil sa maling ginawa ko.
"Don't get us wrong Ritchen.. pero masyado lang talaga nadala si Lance sa emosyon niya.. walang ibang ibig sabihin ang sinabi niya... we're sorry." paghingi ng tawad ni Sir Denver para sa sinabi ni Sir Lance.
Kahit nakapagpaliwanag na si Sir Denver pero hindi parin ako kumbinsido.. alam kong may iba pang dahilan. May hindi pa sila sinasabi.
"Hindi Sir! alam kong may iba pang dahilan.." muli kong pagsalungat sa mga sinabi nila.
"Ritchen.. we know you're cofused..
We're sorry pero ganyan lang talaga si Lance pag nagagalit.." pagsingit ng babae sa tabi ni Sir Denver.Kasunod nang mga binitawan niyang salita ay pinandilatan niya nang mata niya si Sir Lance. Para bang may pinaparating siya na mensahe. Maya maya pa ay nagsalita si Sir Lance na nasa aking harap.
"Im sorry Ritchen... Im just exaggerating. I'm so sorry." ngayon ko lamang nakita ang ganitong aspeto ni Sir Lance, ang pagiging sincere.
Kitang kita ko sa mata niya na nagsisisi na talaga siya at pawang katotohanan lang ang ipinarating niya. Dahil doon ay nakampante narin ako at nakatulong iyon para kumalma ako nang konti. Bigla nalang nagbago ang emosyon ni Sir Lance at nagbago narin ang tono ng pagsasalita nito.
BINABASA MO ANG
Behind Identities
General FictionAng istoryang ito ay tungkol sa pag- iibigan ng dalawang lalaki. BxB . Ito ay isang fiction lamang tungkol sa Extra Judicial Killings. Si Denver na isang CEO ng clothing company. Si Ritchen na isang pickpocket. Si Lance na naghihiganti. Si Aidonelle...