CHAPTER SEVEN

11 0 0
                                    

Si Kitannah Saiko po ang nasa Media.

RITCHEN'S POV

"Goodmorning!" bati ko sa guard na bumukas ng pinto para sa akin.

Ngayon ang ikalawang araw na papasok ako sa kompanya ni Sir Denver. Since wala pa akong maisuot para sa uniform ko ay nagsuot nalang ako nang pulang polo na may neck tie, pants at black na sapatos. Buti na lang at may mga ganito akong damit sa bahay.

Papasok na ako sa elevator pero natigilan ako dahil sa isang bagay. Paano nga pala ako makakapasok sa office ni Sir Denver kung wala akong card?

Dahil sa kaisipang ganun ay bumalik na lamang ako sa lobby at naupo sa sofa. Napakamot pa ako sa ulo ko dahil sa gulo ng sitwasiyon.

Naisipan ko rin ang puntahan muna sina Sir Lance pero naalala ko ang sinabi ni Sir Denver, baka pag-initan pa ako nang leon na iyon. Hindi ko rin mahagilap si Maam Henessey sa dating pwesto niya noong interview. Hindi ko rin alam kung nandito na ba si Maam Kitannah.

Ilang minuto pa akong matiyagang naghintay para sa pagdating ni Sir Denver. Maya-maya pa ay may isang lalaki ang padabog na umupo sa tabi ko na may dalang suit case. Naka suit na itim siya at mukhang badtrip. Empleyado rin siguro siya dito.

"Bwesit!" pagmura nito sabay padiyak sa paa niya.

Hindi na niya alintana ang taong nasa tabi niya. Napaka-badtrip talaga niya ngayon dahil sa gulo nang buhok niya.

"Aarrgghh!! Nakaka-inis.. hmmmmppp!" gigil na gigil niya pang dugtong haw nakakuyom ang mga kamao niya.

Ano naman kaya ang kinainis ng isang ito.?

"Auhh.. excuse me. Ano pong problema?" tanong ko sa kanya.

Napansin niya ang tanong ko kaya hinarap niya ako. Cute ang lalaking ito, chubby cheeks, straight na ilong at maliit ang mata nito. Nilingon niya ako na magkadikit ang ngipin at matalim ang tingin.

"Wala! Wag ka na maki-alam... dinadagdagan mo lang init ng ulo ko eh!" sigaw nito sa akin na ikinagulat ko naman.

Ako na nga ito ang nag approach, baka may maitulong ako.. ako pa ang dadagdag sa init ng ulo niya?? Wag niya akong ginaganito dahil makakatikim talaga siya sa akin.

"Hoy! Mister.. wag mo nga akong sigawan ha!! Ako na nga itong concern sa iyo!" sigaw ko rin pabalik sa kanya. Sinira niya ang araw ko.

Hindi niya ako sinagot, sa halip ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Sa palagay ko ay sinusuri niya ako pero hindi ko alam kung bakit. Mula sa paa ko ay ibinalik niya sa mata ko ang tingin niya.

"So ikaw pala.." taas kilay niyang sabi.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

Mas naningkit pa lalo ang mata niya at nagsalita.

"Ikaw pala itong bagong hired na Secretary.. Ako pala yung natanggap na sana pero bigla nalang silang nag-announce na may na hire na.. nawalan tuloy ako nang oportunidad na makapag trabaho." mariin nitong sabi.

Bakit niya ako kilala? Malaki pala talaga ang koneksiyon ko sa taong ito. Siya itong nagsumikap para lang magkatrabaho.. pero heto ako at inagawan siya.

"S-sorry.." paumanhin ko at yumuko dahil hindi ko na alam kung paano ko siya titingnan nahihiya ako dahil kung tutuusin ay wala akong karapatan sa pwestong mayroon ako.

Siya na sana ang nandito, naiintindihan ko siya kung bakt siya galit. Ikaw ba naman ang paasahin?

"Okay lang... siguro mas DESERVING ka. Kainis ngalang kasi wala nang available na trabaho dito." sabi niya pang madiin. Kahit sinabi niyang okay lang pero ramdam ko ang sama nang loob niya.

Behind IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon