Chapter 13: Mr. And Ms. Campus part 1

199 6 0
                                    

The day has come.. yoshh mamaya na yung show, 7:30 p.m, matawagan nga si Kian

*kring kring*

["Bakit Elise? Namiss mo ba ang aking kagwapuhan?"]

"Bahala ka sa buhay mo"

["teka la-"]

*end call* nakakabwisit ang aga aga

*kring kring*

~Kian Calling

"Ano ha?! Ang aga aga"

["joke lang, anong maaga, hoyy alas tres na ng hapon"]

"Eh, para sa akin maaga pa eh, paki mo ba"

["hahahaha papunta na daw jaan si ate Monica sabi ni Thristan"]

"Ah sige sige, galingan natin mamaya"

*end call*

Nakakaexcite na nakakakaba, ano kayang suot ni Kian, sana naman yung bagay sa kanya, potek lahat nga pala bagay doon

Kinuha ko yung headset ko tapos isinaksak ko sa phone ko, isinuot ko yung headset ko at nagpatugtog

Ikaw at Ako by TJ Monterde

Shetee ang ganda nung kanta, napapasabay ako

🎵'Hawakan mo ang kamay ko ng pagkahigpit, pakinggan mo ang tinig ko 'Di mo ba pansin?'🎵

Shockss ang ganda talaga

"Ikaw at ako tayo'y pinagtagpo, ikaw at akooo— AHHH"

Ano ba yan? Jusko Princess aatakihin ako sayo sa puso eh, bigla ba namang tatalon sa higaan ko, eh nakahiga ako, Princess talaga

Lumipat na yung tugtog ILYSB by LANY

Napatayo ako tapos sumasayaw habang kumakanta

'🎵Oh my heart hurts so good, I love you, baby, so bad, so bad, oh, oh my heart hurts so good I love you, baby, so bad oh'🎵

"Pffttt..." huh? Sino yun??

"HAHAHAHAHA" halaaa!!! Huhu nakapikit kasi akong kumakanta dito, anlakas pa man din ng boses ko shemay...

"I love you babe, so bad, ka pa jan ha.." tawa tawa pa sya, lakas mang asar neto eh

"Kian kung naiingit ka kumanta ka nalang din"

"Anjan na si ate Monica sa baba, I love you babe, so bad, hahahaha!!" Geh mangasar ka pa

"Babalik na ako sa bahay, magpapagwapo pa ako" tinignan ko sya ng masama

"Jusko Kian, magpapagwapo ka pa sa lagay mong yan, who do u think u are?? Hindi ba nangunguna ka sa pinakagwapo sa school?!" Tapos tumawa sya, yung evil laugh..

"Bye na, magpaganda ka..." inirapan ko sya

*knock knock*

"Ano nanaman?!" Nagulat ako

"Luh sya, Elise, anyare sayo?? Sige di na kita ayusan" tinawanan ako ni ate Monica

"Sorry atee, kala ko si Kian yun eh" tinagnan ako ni ate habang tumatawa sya

"Halika na ayusan na kita, 4:30 na oh, si Thristan at Christian na bahala kay Kian.." ngumiti ako kay ate

"Ikaw na bahala magpaganda sa akin ate, pagandahin mo ako ate, hahaha labyuu" tinignan nya ako ng masama

"Onting makeup lang, sa ganda mong yan kahit di na kita masyadong lagyan ng make up" tapos tumawa sya

"Syempre mas papagandahin pa kita, hahaha" kulit talaga ni ate Monica

--

Umupo na ako doon sa harap ng hairdresser ko, inayos nya muna buhok ko, ikinulot nya muna tapos nilagyan ng hairspray

Nagstart na si ate Monica na make upan ako.. nakapikit lang ako tapos nilalagyan nya na ng make up yung mukha ko..

--

Pagkadilat ko... WOW!!! May dyosa sa harap ko, este ako pala yun..

"Suot mo na yung dress mo.." tumango ako, tapos pumunta na ako sa closet ko, walk-in closet kase, nagbihis na ako, paglabas ko

"Bongga!!! Elise ang ganda mo!!! Oh myy!!" Nginitian ko si ate, suot ko yung white na cocktail dress tapos backless sya..

*knock knock*

"Nak, Mariah"

"Ah, Yes yaya Sammy? Pasok po"

Pagpasok ni yaya Sam, nanlaki yung mata nya

"Mariahh Elisee, nak!!! Ang ganda ganda talaga ng alaga ko!!" Tapos lumapit sya sa akin at hinawakan nya kamay ko

"Sigurado akong mananalo ka nyan" sabi naman ni Ate Monica na ang laki ng ngiti sa mukha nya

"Sasabay ako sa inyo nak, halika na pala, dalhin ko na yung black mo na dress tsaka black mo na heels, hinihintay ka ni Kian sa baba" whoo nakaka exite naman

"Suot mo yung gold na heels, bagay jaan sa suot mo, lika na, ah Ate Sammy, paki dala na din nung red na cocktail dress ni Mariah jaan ate, pang talent portion nila ni Kian" ihhh ate Monica talaga supportivee

Pagbaba namin..

OH MY GOSH!! Wait what?! Staphh!! Ang attractive nya, wait attractive naman na talaga sya pero mas naging attractive, stap stap stap

Ang laki ng ngiti sa akin ni Kian, wait ang cute nya, teka, HOY BABAE PINAGSASABI MO, STOP NA!!

"My muse, let us go, baka malate pa tayo" ang hot ng pagkasabi nya nun, STOPP!!! Hoy!!!

"5:30 na pala halika na" hinawakan nya yung braso ko para alalayan ako sa pasakay sa sasakyan, umupo sya sa tabi ko, tapos sa likod sila ate Monica at Yaya Sammy..

"Kuya punta na po tayo sa campus" sabi ko sa driver namin

Pagdating namin sa campus, ang dami nang tao goodness, nakakakaba whoo.. kinakabahan ako.. kaya namin tooo

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon