Chapter 16: Confession?!

195 7 0
                                    

"Kasi Elise--"

"Kasi ano?" Lah nakatitig lang sya sa akin mas kinabahan ako

"Kian ano nga?" Natameme tuloy ako

"Ano ka..kas..kasi" jusko Kian nauutal ka na!!

"Kasi?!" Lahhh

"Ano kasi.. Elise g..gu.."

"Gu?" Nauutal padin ako puchaa!!

"Gu.. gu.. gu.. gusto.."

"Gusto? Ano ba Kian paputol putol ka naman eh" tapos tumawa sya

"Gusto mo ng cake?" PUCHA!! Ano ba Kian langya naman oh!!

"Jusko Kian yan lang pala sasabihin mo nauutal ka pa, sige na asan yung cake haha" KIANN JUSKOO ANONG GINAGAWA MO??? Sabihin mo na pucha

Binigyan ko ng cake si Elise, tumingin ulit sya sa langit

"Kian ang ganda ng langit oh, ang daming mga bituin lahat sila nag niningning" nakangiti sya habang sinasabi yun, huminga muna ako ng malalim

"Elise eto na talaga"

"Ano ba kasi yun sabihin mo na" tapos tumingin sya sa akin

"Ah kasi Elise, matagal ko nang gustong sabihin to sayo" nakangiti padin sya habang hinihintay nya yung sasabihin ko

"Elise, gus--"

"Ang sweet nyo naman dito pa kayo nag date" t*ngina naman oh sino ba yun? At tsaka anong date, tumingin ako sa likod ko teka!!

"HEAVEN?!" Pucha!! Kung kelan masasabi ko na darating pa sya!! Anong kailangan nya at bumalik pa sya ha??

Nakatulala si Elise sa kanya, shete!! Ba't nandito ka Heaven?

Mariah Elise's POV

Parang ewan to si Kian nauutal pa sya nagtatanong lang naman kung gusto ko ng cake, pagtapos ko kumain ng cake syempre busog na ako hehe

Tumingila ako sa langit, ang ganda lang kasi titigan ng langit, ang ganda ng bituin isama mo na yung buwan, pag tinitigan mo ang satisfying sa mata

"Kian ang ganda ng langit oh, ang daming mga bituin lahat sila nag niningning" nakatingin lang sa akin si Kian, mukha parin syang seryoso, may di pa ba sya nasabi

"Elise eto na talaga" sabi na eh may di pa sya nasabi, nakakacurious tuloy

"Ano ba kasi yun sabihin mo na" pinapatagal nya pa eh baka mapanis na laway nya nyan joke lang hihi

"Ah kasi Elise, matagal ko nang gustong sabihin to sayo" nginitian ko sya kahit atat na atat na akong malaman kung anong sasabihin nya

"Elise gus--"

"Ang sweet nyo naman dito pa kayo nag date" shet wag mong sabihin na si..

"HEAVEN?!" Si Heaven?! Wait nakilala sya agad ni Kian.. pero bakit? Bakit sya nandito?

Umupo sya sa tabi ko, hinawakan nya kamay ko

"Elise, kilala mo pa ako" nginitian nya ako shetee.. homighad

"Yah!! Heaven anong ginagawa mo dito? Naninira ka ng moment" halatang nabwibwisit si Kian, nakakapagtaka ba't andito sya?

Humarap ako kay Heaven, feeling ko nagiinit yung pisngi ko, kahit di namin sya nakasama for 4 years, shetee nasa harap ko na ulit yung first love ko

"Ke.. kelan ka pa dumating?" Ngumisi sya, shems

"Kahapon lang, bakit namiss mo ako noh?" Kumindat pa sya, lord kunin mo na ako, hihi oh my!!

"Geh na pala alis na ako, naistorbo ko pa date nyo" date?! Teka date?! Anu daw??

"G*go ka talaga Heaven, la ka talagang magawa eh noh" seryoso yung mga mukha nila wag mo sabihing mag aaway sila

Lumapit sila sa isa't isa, parang ayaw kong tumingin baka mag away sila, teka aawatin ko nga sila

Itinaas na ni Kian yung kamay nya ganon din si Heaven, parang magsusuntukan sila, shetee itigil nyo na yan napapikt nalang talaga ako, langya

"BRO!! Welcome back!!" Potek, akala ko mag susuntukan fist bump lang pala, langya kayo..

"Kamusta sa Japan Bro?! Buti naman bumalik ka na after 4 years.." nakangisi na silang dalawa, kanina akala mo magaaway sila tapos ngayon, kahit dati ganyan sila di padin di sila nagbabago

"Okay lang bro, dito na ako ulit mag aaral, namiss ko kayo" tapos lumapit sa akin silang dalawa, hinila nila ako patayo, aba!! May group hug pang nalalaman ah..

"Congrats nga pala sa inyo nanalo kayo!!" Tapos tumingin sya sa akin

"Paganda ka ng paganda Elise ah, ako gumwapo ba lalo?" Kumindat pa sya, teka feeling ko nag blublush ako

Binatukan sya ni Kian

"Pinagsasabi mo jan Heaven" napakamot ulo nalang si Heaven

Nagyaya na si Kian umuwi

"Uwi na tayo, sakay ka na, uwi ka na din Heaven"
Sumakay na ako sa sasakyan ni Kian tapos naguusap padin sila sa labas, di ko naman marinig yung usapan nila, hays bahala na muna sila makatulog na nga lang

Kian Charles's POV

Alam ko naman na first love ni Elise si Heaven at syempre, pucha naudlot pa yung sasabihin ko..

Nagyaya na ako umuwi pinasakay ko na si Elise sa sasakyan ko, kinausap muna ako ni Heaven..

"Pre.. may gusto ka padin ba kay Elise?" Teka boy, nakakagulat ka eh

"Oo pre.. sobrang tagal na" napatitig sya sa akin

"Pre.. may gusto din ako kay Elise pre!" Ano?! Ano daw?! Teka teka??!! Tama ba narinig ko??

"Pre?! Totoo ba narinig ko?" Tumango sya, pucha may kaagaw ako kay Elise kaibigan ko pa talaga

"Kaya ako bumalik dito para sa kanya" natulala ako sa kanya, shete!! Bakitt??

"Teka pre gusto ko din sya, para walang away, walng talo talo bro!!" Sumangayon naman sya, may tiwala naman ako kay Heaven kaya okay naman kami..

Nakipag shake hands ako sa kanya

"Tandaan mo yan bro!! Walang talo talo Araso?!"

"Hai!!" Good!!

Sumakay na din si Heaven sa sasakyan nya tapos nauna syang umalis, pagkasakay ko sa sasakyan ko ang himbing ng tulog ni Elise, maamo talaga yung mukha nya, sleeping beauty talaga sya, ang ganda nya kahit tulog.. nakatitig lang ako sa mukha nya tapos umalis na din kami

Pagkarating namin sa bahay nya ginising ko na sya, ayaw nya gumising

"Elise!! Nandito na tayo sa bahay nyo!!" Medyo malakas na boses ko nun ha

"Ihh.. wag ka nga maingay natutulog ako" tulog mantika talaga oh, bahala ka jan

Binuksan ko yung pintuan nya, tinanggal ko yung seatbelt nya tapos binuhat ko sya, grabe talaga to di nya parin nararamdaman na binuhat ko na sya, pagdating namin sa kwarto nya, inihiga ko na sya sa higaan nya tapos kinumutan ko na sya, napatitig ako ulit sa maganda nyang mukha, ang ganda nya parin kahit natutulog sya..

Di kita ibibigay kahit kanino, lagi ka lang nasa tabi ko, may promise tayo nung bata tayo 'walang iwanan'.

Hinalikan ko yung noo nya tapos lumabas na ako, naglakad nalang ako papunta sa bahay ko, iniwan ko na yung sasakyan ko kanila Elise, pagpasok ko sa bahay dumeretso ako agad sa kwarto ko..

Pagod na rin ako pero nagbihis muna ako bago ako humiga sa higaan ko..

Di ko pa nasabi kay Elise yung dapat kong sabihin, bumalik si Heaven para kay Elise.. wala namang talo talo kaya kampante naman ako whoo..

Nadala na din ako ng pagod ko kaya onti onting pumipikit yung mata ko..

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon