Chapter 20: Game

151 10 1
                                    

"The game will start in 15 minutes"

Nasa court na kami, ngayon yung game nila Kian..

Nakaupo kami sa may taas kasama ko sila Mica, Ate Monica at sila mommy at tita. Sa taas kami para makita yung banner na ginawa namin

"GO PUMA!!" Pinaghandaan ko to kaninang umaga noh lam nyo ba yun..? Kaming dalawa ni Mica nag sulat sulat pa hahaha.. effort much hihi

"Sist, lakasan natin cheer natin ha.." sabi naman ni Mica sabay tawa ng malakas

"Sist kahit kelan talaga makulit ka noh, oh ayan na mag start na yung game" nag ring na yung bell at tatawagin na yung teams. Nakakaexcite naman yung game.

"Let us now call our teams" sabi nung nageemcee "Let us call, Golden Oracle's Puma!!!" Tumakbo na sila Kian papunta sa gitna. Ang lakas ng hiyawan namin mawawalan ata ako ng boses

"GOOOO!!! PUUUUMMMMAAAA!!!" Sigaw naming lahat. Tapos nag salita ulit yung emcee "Now let us call, Bigaoka's Lions!!!" Tumakbo na yung mga players nila sa tapat nila Kian. Ang lakas ng hiyawan ng mga supporters nila, syempre wala silang palag sa hiyawan namin noh, bleh.. ;)

*after 2 hours*

Fourth quarter na ng game, lamang na yung Bigaoka University sa amin ng 2 points, syemay malapit na mag time..

Naagaw ni Heaven yung bola tapos ipinasa nya yun kay Kian.. Teka huminto si Kian, shetee mag 3 points shoot sya

"GO KIAN KAYA MO YAN!!" Ang sakit na ng lalamunan ko besh ha.. napatingin yung mga tao sa akin lalo na si Mica

"Sist ha napakasupportive sa beshprend mo ah" nanghampas pa ang babaita "Yah..! Ikaw nga hiyaw ng hiyaw jaan para kay Thristan eh.." tapos nag smirk ako, kala mo ha.. tumawa sila mommy at sila tita sama mo na si Ate Monica

Shete malapit na yung time.. Kian kaya mo yan

"YEEEEEEEESSSSSSS!!!!!" Yes!!! Naishoot ni Kian!!! Nanalo kami WAHHH!!! Tumingin si Kian sa gawi namin tapos nag thumbs up sign sya sa akin, syempre ganon din ako

Nakipag kamay sila sa mga players ng Bigaoka, bumaba na kami at syempre kinongratulate sila

"Congrats Puma!!" Sigaw ni Mica at Ate Monica

"May celebration mamaya sa bahay punta kayo lahat ha" aya ni mommy, lumapit ako kay Kian tapos sinuntok sya sa braso "Aray!!"masakit yung kamay ko, ako po yung nasaktan okay I admit it nanapak po ako ng batong braso

"Bilib ka nanaman sa muscles ko noh" nag poker face lang ako tapos lumapit si Heaven pumunta ako sa likod nya

"Heaven, ang lakas ng hangin dito noh, may aircon ba dito bigla akong nilamig, o sadyang may multo, brrrr!!" Tawa ng tawa si Heaven tapos ang sama naman ng tingin sa akin ni Kian

"Thank you nga pala sa pag cheer nyo ha" humarap sa akin si Heaven tapos nakaakbay sya sa akin, lumapit din si Kian, inalis nya yung kamy ni Heaven tapos ipinalit nya yung braso nya sa pagkakaakbay sa akin

"Oo nga eh kung wala kayo sigurado akong matatalo kami" inalis naman ni Heaven yung braso ni Kian, jusko!! Ano ba..!

"YAH!! Di magaan yung mga braso nyo kaya stapet!!" Naka poker face kong sabi, nakatingin lang sila sqaa akin tapos nagtinginan sila, mga ilang segundo lang siguro bigla silang tumawa ulet

"Yah anong tinatawa tawa nyo jaan" inirapan ko sila "Umalis na sila mama oh halika na" hinahlot nila yung braso ko, magkabilaan sila tapos hila hila nila ako palabas, ano bang trip netong dalwang to, onto nalang kaladkarin ako eh

"Sabihin nyo lang kung gusto nyo ako kaladkarin kasi FYI, naiwan na yung sandals ko doon" huminto sila tapos tumakbo si Heaven para kuhanin yung sandals ko, pagkabalik nya pinasuot nya sa akin, hinawakan nya yung paa ko tapos dahan dahan nya isinuot, feeling ko nag iinit yung pisngi ko. Si Kian nalang nakahawak sa akin sinasabayan nya na akong maglakad, buti naman haystt

*At Gonzales Residence*

Pagpasok namin nandoon na yung buong Puma.. Tapos may malaking banner na 'CONGRATULATIONS PUMA!!' Talo kayo ng effort nila mommy at tita noh... hahaha

Nasa backyard yung mga handa kaya pumunta na kami doon lumapit kami kanila mommy at tita Trisha

Nagsalita naman si Tita Trisha kay Kian

"Congrats anak..!" Tapos with matching yakap pa, sweet naman ni tita hihi

"Kain na tayo" sabi ko kay Kian nung bumitaw na si tita sa pagkayakap nya

"Oo nga nakakagutom na eh" sabi naman ni Heaven tapos hinila nya ako

"Oy si Kian naiwan..!"

"Nangiiwan kayo ha, langya ka dre!!" Sigaw ni Kian habang tumatakbo papunta sa amin

"Hahaha bro nadala lang ako ng gutom ko" tapos humablot na kami ng pagkain, kumuha ako ng cake, of course luto ni mom yan and kumuha din ako ng tiramisu, gawa naman ni Tita Trisha

Kain kami ng kain hanggang sa mabusog kami
Tapos nakipag kwentuhan kami sa Puma.

Kian Charles's POV

*kring kring*

Sino ba yung tumatawag, tsss.. sinagot ko agad yung phone ko di ko na tinignan kung sino tumatawag

"Hello?!"

["Hello, Mr. Kian Markell"]

"Ah, yes Ms. Riema" Secretary ni dad sa office

["May business trip ka daw po for 2 weeks sa Korea, di kasi maka attend si Mr. Danny Markell kaya sabi nya po ikaw nalang daw po ang umattend sa business trip nya"]

"Ah, sige I understand, thank you, may I ask, anong oras ang flight ko?"

["1:30 p.m po Mr. Kian, class A po kayo, Seat 12 row 1"]

"Ah sige thank you"

-end call-

Wahh naiistress ang kagwapuhan ko dito eh, tch, kailangan ko na pala magayos ng gamit

Lumapit ako sa kanila

"babalik na po ako sa bahay, pupunta po ako sa Korea bukas, may business trip daw po kase"

"Dre, okay lang yan dre!!" sigaw ni Jonas

"Ba't biglaan naman ata?" Nagtatakang tanong ni Elise

"Yun na nga eh, 1:30 daw flight ko bukas, mag aayos pa ako ng gamit, tch"

"Ilang araw ka doon?"

"2 weeks, tss.. mamimiss mo nanaman kagwapuhan ko eh, baka hanap hanapin mo ang aking napakagwapong mukha"

"Tch.. ewan ko sayo..!! Mag ayos ka na nga ng gamit mo! psh" init nanaman ng ulo ni Madam Elise... tsss

Nagpaalam na ako kanila Mom at Tita tapos pumunta na ako sa bahay and of course nag ayos ng gamit, haaa...!!!

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon