Chapter 1: The Princes

671 21 0
                                    

Pagbaba ko ng sasakyan nagtitilian na agad yung mga babae. Kasunod ko kasi yung sasakyan ni Kian.

"Kiaaannn!! We lovee youu!!" Araw-araw nalang yan lagi kong naririnig hayss..!

Nakita ako ni Kian bumaba.

"Elise!!" Anak ng tokwa.. ba't nya pa ako nakita sa dami-daming taong nakapalibot sa kanya. Pagiinitan nanaman ako ng mga 'fangirls'.

"Hays.. purket bestfriend nya lang eh... papansin talaga" andami nanamang bubuyog jusko.. sa susunod iisprayan ko na ng baygon yang mga bibig nyo nakakabwisit na.

Lumapit sa akin si Kian. "Elise..! Nakita mo sila Chris at Thristan? Antagal nila dumating"

"Malay ko ano ako attendance checker nyo?" Lagi nalang akong tinatanong, bakit ako ba nagtatago sa kanila

Yan nagsimula na magtilian yung nga babae. Yung mga bubuyog kanina naging mega phone na. Akala mo artista yung dumating eh.

Nagsama nanaman yung tatlo. Anlakas ng hiyawan ng mga babae nakakabingi amp.

*krrriiiinnnggg*

Nag bell na at nag akyatan na yung mga tao sa mga rooms nila.

"Elise!!" Tinawag ako ni Zyn at ni Christian. Ano nanamang problema neto haysst

"Ano nanaman?" Ang kulit talaga neto itong tatlong to nakakabwisit, pagbuhulin ko kaya tong tatlong to

"Samahan mo daw kami mamaya sa mall sabi ni Kian." Ano sila bata, ba't di si Kian magsabi paapasabi pa sa dalawang to.. tch

"Hoy Kian!" Ang aga aga, juskoo

"Bakit? Napansin mo nanaman kagwapuhan ko noh?" Kindat sabay tawa... -_-

"Hay ewan ko sayo.. ano nanaman gagawin natinsa mall nagpapasama nanaman kayo.. kasama mo naman sila Chris ah.."

"Eh gusto ko eh.. tsaka wala akong bodyguard hahaha" yan tawa nanaman

"Tch.. bodyguard, opo sasama nalang ako"

"Yown.. hahaha kaya naman ang swerte namin sayo eh.. yiee!!" Sabi naman nila Chris at Thristan

"Oi.. malalate na tayo akyat na akyat na mamaya paginitan nanaman ako ng mga fan girls nyo.. Sabihin nakikisali nanamanako purket kaibigan nyo ko."

"Subukan ka lang nilang awayin kami makakalaban nila. Di purket babae sila palalagpasin namin." Kahit mga makukulit to sweet naman.

"Oo na byee na pala." Nagpaalam na ako at umakyat sa room.

After school..

*krrrriiiinnnggg*

Pwede na kami lumabas ng classroom. Pupunta pa pala kami ng mall.

"Aaaahhhhh!!! The three Princes!! Pupunta sa 4-1.."
Pupunta yung tatlo dito? Ah baka pupuntahan ako haystt..

"Girls get ready baka naghahanap sila ng girls dito. Makeup on. Hairstyle on.. okay we're ready" sabi ni Fiona.

"Aaaaahhh!! Andito na sila.." sigaw naman ni Jessa. Mga fangirls talaga.

"Mariah Elise!" Sigaw ni Kian. Parang may mga demonyong nakatitig sa likod ko ah. Kinikilabutan ako *brrr*

"Elise! Bilis mo pupunta pa tayo sa mall." Sabi ni Chris. Hays exited! Exited!

"Teka lang.. nagmamadali nanaman kayo eh" di ko nalang pinansin yung grupo nila Fiona

Lumapit si Fiona kay KC.

"Hi Kian, ako nalang isama nyo sa mall. Ako na bibili ng mga bibilhin mo." Sabi ni Fiona kay Kian. Nakatingin sa kanya si Kian. Aba baka nagandahan. Yung dalawa naman ng tatawanan sa likod habang kausap yung mga ka grupo nila sa basketball team.

"Eww. Get away from me.." aba! Ang yabang talaga..!

Lumapit ako kay Kian hinawakan ko tenga nya at hinila ko sya palabas.

"Ba't kailangan mo sabihin yun ha?"

"Eh kadiri naman talaga eh. Ang kapal kapal ng makeup yuck.. at tsaka papayag ka ba na agawin ako sayo?" May pakindat kindat pa sya.

"Oii! Sali nyo naman kami jaan" sabi ni Chris at Thristan.

"Ha? Kung ano anong pinagiisip nyo? Bilisan nyo na nga at dumeretso na tayo sa mall."

Juskoo ang kulit netong tatlong to.. papatapon ko to sa mars..! O di kaya ilubog sa mariana trench jusko..!

The Prince and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon