Kian Charles's POV
*rrriiinnnggg rrriiiinnnggg rrriiinnngg*
'Pasensya na sa malupitan kong alarm'
10 a.m na pala... teka ilang alarm ba sinet ko
May 7:00
8:30
9:00
9:30
10:00So lima yung sinet ko at isa lang ang narinig ko, MAHUSAY KA TALAGA KIAN!!
--
Bumaba na ako para mag breakfast, umupo ako sa dining table tapos naglagay na ng pagkain yung maid namin sa table at ng plato, syempre paano ako kakain, sa palad, share ko lang...Pagtapos ko kumain umakyat na ako para maligo at magbihis, pagtapos ko, nag headphones muna ako pampalipas oras..
--
At the Airport"Alis na ako bye!!"
"Ingat ka dre!! Pasalubong ko ha!! Maguwi ka ng chicks!!" Sigaw ni Jonas
"Loko ka talagang gunggong ka.. g^go ka talaga, puro ka chicks, magtigil ka nga!!" Tapos nagtawanan kaming lahat
"Ingat ka doon bro.. wag ka magpabaya" tapos tinapik nya ako sa braso
"Kala mo naman di na ako babalik, kamo tong si Heaven..!" Tapos binatukan ko sya
"Nambatok pa talaga ehhiiee!!" Nagtawanan parin kami
"Ingat ka dun Kian.. galingan mo ah.." sabi naman ni Elise
"Mamimiss mo kasi ang aking kagwapuhan Elise, wala ka nanamang makikitang gwapo araw araw" tapos kinindatan ko sya, aba sumama tingin nilang lahat sa akin
"YAH!! Tumigil ka ngang unggoy ka!!"
"Umalis ka na nga dre!! Parang sinabi mo kay Elise na puro panget ang makikita nya araw araw ah" panguna nanaman ni Jonas
"Oo nga dre!!!!!" Sigaw naman ng buong Puma
"Oo Kian!! Andyan naman sila oh.. tsaka tumigil ka nga.. ito oh may gwapo pa oh si Heaven" tinuro nya si Heaven
Natigilan ako saglit doon ah
"YAH!! BAT DI NYO KAMI HININTAY????!!!!" Sigaw ni Thristan habang tumatakbo
"Kayo kamo!! Iniwan nyo kami!!!" Sigaw naman ni Christian
Pero natigilan ako dun ah.. lakas ng tama pre.. si Heaven daw chong!!
"Bro?!.... Bro?!... Brooooo???!!!!"
"Ano ba Thristan, Christian naririnig ko kayo!!"
"Eh bat lutang ka, lilipad ka na nga mamaya tapos dito lutang ka na, lumutang ka nalang papuntang Korea tsss..."
"Oo nga bro.. lalim ng iniisip ah, mas malalim pa ata sa Mariana Trench bro"
Teka ganon ba ako kalutang kanina, saglit lang naman yun ah
"Pinagsasabi nyo! Aalis na ako!" Tapos binatukan ko yung dalawang unggoy na katabi ko
"Kie!! Nambatok pa!" Sigaw ni Thristan
"Aalis na nga lang nananakit pa! Magingat ka doon!!" Sabi naman ni Christian
Kumaway na ako sa kanila habang papasok na ako sa loob ng Airport..
Nung nakasakay na ako sa eroplano nagsuot ako agad ng earphones at matutulog muna ako, mahaba haba pa ang byahe papuntang Korea
--Christian Anthony's POV
"Lika na umuwi na tayo, baka yung lumipad na eroplano na yung sinasakyan ni Kian.. Ingat kayo guys!!" Sabi ko sa kanila tapos kumaway
"Sige!! Ingat din kayo" sagot naman nilang lahat, kasabay ko kasi si Thristan sa sasakyan ko, tapos silang lahat may dalang sari sariling sasakyan, ihahatid nalang daw ni Heaven si Elise
Pagdating namin ni Thristan sa loob ng sasakyan ko, nagusap kami saglit
"Dre.. yung binilin sa atin ni Kian ha.. di natin pwede alisin mata natin sa kanila dre.."
"Oo dre.. naalala ko yun kalma.. so nakamasid tayo habang wala si Kian"
"Yesss broooo..!! Tayo ang spy..." tapos tumawa sya ng malakas
"Ulol ka talaga" binatukan ko sya
Flashback
Bago pumasok sa loob ng airport si Kian kinausap nya muna kami
"Mga bro, tignan nyo yan si Heaven ha, oo may tiwala ako pero di parin ako panatag"
Tumango lang ako
"Maasahan mo kami bro.. kami pa" tapos tumawa ng malakas si Thristan
Pumasok na sya sa loob at kumaway pa bago tuliyang makapasok
End of flashback
Hayyy pag nagmahal ka nga naman eh noh
Mariah Elise's POV
Gonzales's Mansion
"Thank you Heaven sa pagjatid, ingat ka pauwi" sabay nginitian ko sya
Ngumiti din sya and O_O
*DUG DUG DUG DUG*
Bumabalik lahat iiihhhhh!!! >_<
KALMA BES!
Kumaway ako nung paalis na sya at pumasok na ako
Nakaramdam din ako ng pagod dahil isang oras din yung byahe mula sa airport hays
"Oh nak nandito ka na pala.. kakain ka pa ba?" Tanong ni yaya Sammy
"Di na po ya.. busog pa po ako, magpapahinga lang po ako sa taas" tapos pilit akong ngumiti sa kanya dahil medyo sumasara na din yung mata ko, hay naka napaka antokin ko talagang tao
"Sige nak pahinga ng mabuti, wala ka nang kakulitan dahil wala na si 'KC' hahaha" diniin talaga yung pangalan ni Kian, si Yaya sam naman talaga eh..
"Yaya sam naman, aakyat na po ako" tapos ngumiti ako ulit bago umakyat
Pagkapasok ko sa kwarto ko nagbihis muna ako tapos humiga na sa higaan ko, nakapikit na yung mata ko nang bigla kong maalala yung nasa park kami ni Kian after ng Mr. and Ms. Campus..
May gusto syang sabihin ngunit nauutal sya, di nya na din nasabi dahil dumating si Heaven, hay nako..!!
Makakatulog na sana ako nang biglang O.O
*bzzt bzzt*
ANOO BAA!! Sino ba yun?!! Tae kung kelan makakatulog na ako eh, ano istorbo lang aish
1 new message
Oh baka si Kian to teka
Fr: Heaven
Sunduin kita bukas ha, labas tayo ;)Tss.. akala ko naman si Kian
To: Heaven
Sige sige.. no prob.. :)Sent..
Hays makakatulog na din ako sa wakas.. nakaratin na kaya si Kian sa Korea? Safe naman kaya...ZzzzzzZzz
![](https://img.wattpad.com/cover/156632267-288-k694549.jpg)
BINABASA MO ANG
The Prince and Me
RomanceYung araw na narealize mo na may gusto ka na rin pala sa kanya. Kaso mas pinili mo yung isa kaysa sa kanya, kaysa sa kanya na mas matagal mo nang kasama, yung mas matagal mong nakasama in good times and in bad times, pero mas inuna mo yung utak mo k...